Mga Serbisyo sa Transportasyon na Reroute |
Mga Serbisyong Pansuporta sa Foster Youth |
Firefighter Youth Academy |
Pagsasanay sa Literasiya sa Pananalapi para sa Mga Kabataan at Pamilya |
Dental Clinic para sa Navigation Center |
No Child Goes Hungry |
Programa para sa Muling Pagsama sa Lipunan ng Mga Offender |
Mga Kagamitan at Trailer para sa Pagliligtas |
Proyektong Mahalaga ang Mga Hayop |
Mga Sanggunian at Serbisyo sa Pangunahing Pangangailangan ng Mga Walang Tirahan |
Meals on Wheel - Programa sa Nutrisyon para sa Mga Senior |
Mga Serbisyo sa Transportasyon na Reroute ($53,750)
Sasakupin ng mga panukalang pondo ang buwanang transportasyon na ginagamit ng Vallejo Navigation Center para sa mga Walang Tirahan na nasa Hustong Gulang na may mahahalagang appointment. Pangangasiwaan ng mga Case Managers sa Navigation Center ang mga kwalipikadong biyahe. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $53,750
Lokasyon: Vallejo Adult Navigation Center
Sasakupin ng mga panukalang pondo ang buwanang transportasyon na ginagamit ng Vallejo Navigation Center para sa mga Walang Tirahan na nasa Hustong Gulang na may mahahalagang appointment. Pangangasiwaan ng mga Case Managers sa Navigation Center ang mga kwalipikadong biyahe.
Nagpapatupad- City of Vallejo
Sino ang makikinabang- -
Makakatipid ang mga mamamayan at ang lungsod sa pagsubaybay, pagpapadala ng mga serbisyong pang-emergency, at paglilinis ng mga tinutuluyan ng mga walang tirahan. Mararamdaman ng mga residente ng Vallejo na mas ligtas sila. Bubuti ang reputasyon nito at makakahikayat ito ng mas maraming negosyo at bisita. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto- -
Mga Serbisyong Pansuporta sa Foster Youth ($75,000)
Ihahanda ng pang-edukasyong proyektong ito ang Foster Youth ng Vallejo para sa mga oportunidad at pagtatagumpay sa sustainable na trabaho sa pamamagitan ng propesyonal na pag-mentor, hands-on na pagsasanay, at paglalaan ng mga internship sa negosyo na nakabase sa Vallejo. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $75,000
Lokasyon: Sa Buong Lungsod
Ihahanda ng pang-edukasyong proyektong ito ang Foster Youth ng Vallejo para sa mga oportunidad at pagtatagumpay sa sustainable na trabaho sa pamamagitan ng propesyonal na pag-mentor, hands-on na pagsasanay, at paglalaan ng mga internship sa negosyo na nakabase sa Vallejo.
Nagpapatupad- First Place for Youth
Sino ang makikinabang- -
Makikinabang ang Lungsod ng Vallejo at ang mga at-risk na kabataan kapag may oportunidad ang Foster Youth ng Vallejo na magtaguyod ng mga maaasahang landas sa career, habang patuloy na naninirahan sa umuunlad nating komunidad. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Firefighter Youth Academy ($60,000)
Popondohan ng proyektong ito ang hands-on na pang-edukasyong pag-mentor para sa mga mag-aaral na nasa middle school at high school na interesadong maging firefighter, emergency medical technician (EMT), paramedic, o nurse. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $60,000
Lokasyon: Vallejo Fire Department Training Center
Popondohan ng proyektong ito ang hands-on na pang-edukasyong pag-mentor para sa mga mag-aaral na nasa middle school at high school na interesadong maging firefighter, emergency medical technician (EMT), paramedic, o nurse.
Nagpapatupad- Solutions For At Risk Youth
Sino ang makikinabang-
Makikinabang ang buong komunidad ng Vallejo kapag mayroon ang mga kabataan nito ng mga kasanayang makakatulong sa kanilang malampasan ang pagsubok ng kolehiyo, pagtatrabaho, at pag-mentor sa pagitan ng kanilang mga kasamahan. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Pagsasanay sa Literasiya sa Pananalapi para sa Mga Kabataan at Pamilya ($69,288)
Nagbibigay ang siyam na buwang pagsasanay na ito ng edukasyong nakatuon sa literasiya sa pananalapi at paggamit nito sa trabaho sa 2,442 mag-aaral at mga kapamilya nila para suportahan ang kanilang mga oportunidad sa pananalapi at malinaw na landas para magtagumpay sa trabaho. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $69,288
Lokasyon: Sa Lahat ng High School sa Vallejo at sa Career Center
Nagbibigay ang siyam na buwang pagsasanay na ito ng edukasyong nakatuon sa literasiya sa pananalapi at paggamit nito sa trabaho sa 2,442 mag-aaral at mga kapamilya nila para suportahan ang kanilang mga oportunidad sa pananalapi at malinaw na landas para magtagumpay sa trabaho.
Nagpapatupad- Global Center for Success
Sino ang Makikinabang
Makikinabang ang mga residente ng Lungsod ng Vallejo sa may kasanayang pagtatrabaho ng mga kabataang may pinansyal na kasarinlan. Nahihikayat ang mga kabataan kapag nakikita nila ang halaga ng pera sa kanilang mga buhay, kaya nauudyok silang magtrabaho. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Dental Clinic para sa Navigation Center ($167,000)
Pinopondohan ng panukala ang pagpapatupad ng on-site na Dental Clinic sa Navigation Center ng Vallejo. Lilikom ng pondo ang proyektong ito para mabili ang mga kinakailangang kagamitan at instrumentong pang dental para mabigyan ng serbisyo ang mga kalahok ng Navigation Center. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $167,000
Lokasyon: Vallejo Adult Navigation Center
Pinopondohan ng panukala ang pagpapatupad ng on-site na Dental Clinic sa Navigation Center ng Vallejo. Lilikom ng pondo ang proyektong ito para mabili ang mga kinakailangang kagamitan at instrumentong pang dental para mabigyan ng serbisyo ang mga kalahok ng Navigation Center.
Nagpapatupad- City of Vallejo
Sino ang Makikinabang-
Para sa mga indibidwal na nakakaranas ng kawalan ng tirahan, hindi gaanong isinasapriyoridad ang pangangalagang dental kumpara sa kakayahang mabuhay. Ang programa sa dental na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga walang tirahan na makakuha ng mga oportunidad sa trabaho, makamit ang pinansyal na kasarinlan, at makapagsarili sa malusog na paraan. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
No Child Goes Hungry ($74,800)
Tutulong ang panukalang ito sa 187 batang pinakanangangailangan mula sa mga paaralan ng Vallejo Unified School District sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga meal tuwing weekend sa loob ng apatnapung linggo. Nakakatanggap na ang mga mag-aaral na ito ng mga libre o may diskuwentong tanghalian, pero hindi tiyak na may sapat na pagkain sila tuwing weekend. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $74,800
Lokasyon: Pinagsamang School District ng Lungsod ng Vallejo
Tutulong ang panukalang ito sa 187 batang pinakanangangailangan mula sa mga paaralan ng Vallejo Unified School District sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga meal tuwing weekend sa loob ng apatnapung linggo. Nakakatanggap na ang mga mag-aaral na ito ng mga libre o may diskuwentong tanghalian, pero hindi tiyak na may sapat na pagkain sila tuwing weekend.
Nagpapatupad- Fighting Back Partnership
Sino ang makikinabang-
Mas mahusay sa pag-aaral at nakakapaglinang ng tunay na potensyal ang mga batang regular na kumakain ng masustansyang pagkain. Bilang resulta, magkakaroon ang Vallejo ng mga edukadong mamamayan sa ating hinaharap. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Programa para sa Muling Pagsama sa Lipunan ng Mga Offender ($53,300)
Ang mga matagumpay na programa ng muling pagsama sa lipunan ay nagbibigay sa mga dating offender ng mga oportunidad para masuportahan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng lehitimo at produktibong trabaho, nakakabawas sa posibilidad ng pagkakaroon ng muling paglabag, at nakakabuti sa kaligtasan ng publiko. Isinasagawa ang mga naka-target na Programang ito sa Vallejo Center for Positive Change. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $53,300
Lokasyon: Vallejo Center for Positive Change
Ang mga matagumpay na programa ng muling pagsama sa lipunan ay nagbibigay sa mga dating offender ng mga oportunidad para masuportahan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng lehitimo at produktibong trabaho, nakakabawas sa posibilidad ng pagkakaroon ng muling paglabag, at nakakabuti sa kaligtasan ng publiko. Isinasagawa ang mga naka-target na Programang ito sa Vallejo Center for Positive Change.
Nagpapatupad- Solano County Probation Department- Vallejo
Sino ang makikinabang-
May mga makabuluhang pakinabang para sa mga komunidad na namumuhunan sa mga serbisyo ng paggamot at suporta para sa mga dating offender at sa kanilang mga pamilya, para mabawasan ang mga insidente ng krimen na nakakaapekto sa kaligtasan ng mga kapitbahayan. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Mga Kagamitan at Trailer para sa Pagliligtas ($80,000)
Ang proyektong ito ay makakatulong mabigyan ang Urban Search and Rescue (USAR) ng Vallejo Fire Department ng mga kinakailangang kagamitan para sa malalaking operasyon sa pagliligtas. Sa kasalukuyan, ang mga kakayahan ng USAR ay naayon lang para sa mga “magagaan” at "katamtamang" operasyon sa pagliligtas. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $80,000
Lokasyon: Sa Buong Lungsod
Ang proyektong ito ay makakatulong mabigyan ang Urban Search and Rescue (USAR) ng Vallejo Fire Department ng mga kinakailangang kagamitan para sa malalaking operasyon sa pagliligtas. Sa kasalukuyan, ang mga kakayahan ng USAR ay naayon lang para sa mga “magagaan” at "katamtamang" operasyon sa pagliligtas.
Nagpapatuypad- Vallejo Fire Department
Sino ang makikinabang-
Sa pamamagitan ng mga pagpapahusay na ito, makukumpleto ang mga kagamitan ng USAR team ng Fire Department ng Vallejo para sa agarang pagresponde sa mga residente at bisita kapag nagkaroon ng sakuna o kailanganin ang komplikadong pagliligtas. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Proyektong Mahalaga ang Mga Hayop ($75,000)
Magkakaroon ang mga taong may mababang kita o mga walang tirahan na may mga alagang hayop ng access sa medikal na pangangalaga para sa kanilang mga alaga, kabilang ang mga serbisyo sa Pagpapakapon, Mga Bakuna, at Mga Microchip, nang wala silang kailangang bayaran. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $75,000
Lokasyon: Sa Buong Lungsod
Magkakaroon ang mga taong may mababang kita o mga walang tirahan na may mga alagang hayop ng access sa medikal na pangangalaga para sa kanilang mga alaga, kabilang ang mga serbisyo sa Pagpapakapon, Mga Bakuna, at Mga Microchip, nang wala silang kailangang bayaran.
Nagpapatupad- Humane Society of the North Bay
Sino ang makikinabang-
Mga may-ari ng alagang hayop na may mababang kita at walang tirahan sa lungsod ng Vallejo. Hindi kailangang alalahanin ng mga may-ari ang mga bayarin para maipakapon, mapabakunahan, o mapalagyan ng microchip ang kanilang alagang hayop. At magiging mas malusog ang kanilang mga alagang hayop. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-
Mga Sanggunian at Serbisyo sa Pangunahing Pangangailangan ng Mga Walang Tirahan ($75,000)
Ang panukalang ito sa larangan ng mga serbisyo sa lipunan ay magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga walang tirahan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga programa, serbisyo, at sanggunian na magbibigay-daan sa personal na pag-unlad, pagsasanay sa mga kailangan para mabuhay, medikal na pangangalaga, mga oportunidad sa trabaho, at pagbangon sa kawalan ng tirahan para makapagsarili. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $75,000
Lokasyon: Vallejo Adult Navigation Center
Ang panukalang ito sa larangan ng mga serbisyo sa lipunan ay magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga walang tirahan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga programa, serbisyo, at sanggunian na magbibigay-daan sa personal na pag-unlad, pagsasanay sa mga kailangan para mabuhay, medikal na pangangalaga, mga oportunidad sa trabaho, at pagbangon sa kawalan ng tirahan para makapagsarili.
Nagpapatupad- Fighting Back Partnership
Sino ang makikinabang-
Malaki ang pakinabang ng proyekto sa mga at-risk at walang tirahang pamilya, beterano, senior, at bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng isa sa isang pakikipag-ugnayan at solusyon, na makakatulong para maging matatag ulit ang kanilang pamumuhay, magawa nilang makapagsarili sa pamamagitan ng pagsasanay, at makatanggap sila ng mga serbisyo sa kalusugan. Detailed Project Description-
Meals on Wheel - Programa sa Nutrisyon para sa Mga Senior ($55,950)
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng limang mainit na meal bawat linggo sa mga senior sa Vallejo na 60 taong gulang pataas. Magbibigay din ito ng hanggang tatlong meal na maaaring iimbak sa mga panahon ng emergency. Kukumustahin din ang mga senior tatlong beses sa isang linggo para matiyak na sila ay nasa mabuting kalagayan. Basahin ang higit pa...
Tinatantiyang Halaga: $55,950
Lokasyon: Sa Buong Lungsod
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng limang mainit na meal bawat linggo sa mga senior sa Vallejo na 60 taong gulang pataas. Magbibigay din ito ng hanggang tatlong meal na maaaring iimbak sa mga panahon ng emergency. Kukumustahin din ang mga senior tatlong beses sa isang linggo para matiyak na sila ay nasa mabuting kalagayan.
Nagpapatupad- Meals on Wheels of Solano County
Sino ang makikinabang-
Nakakatanggap ang mga senior na hindi nakakalabas ng bahay ng 260 meal, at kinukumusta sila tatlong beses sa isang linggo para masuri na rin ang posibilidad ng pagkalaglag at iba pang panganib. Sa pamamagitan ng mga emergency box, may higit pang opsyon sa pagpapakain ng mga senior sa panahon ng emergency. Detalyadong Paglalarawan ng Proyekto-