Pagpaparangal sa Kasaysayan: Mga Pananda sa Kalye sa Pag-alala kay John Conna ($56,000)
Pangalanan ang bahagi ng Military Road S upang parangalan ang black pioneer na si John Conna. Magkabit ng mga karatula at magdagdag ng panandang pangkasaysayan. Magbigay ng kultural na kamalayan at kontekstong pangkasaysayan ng black pioneer na si John Conna, na nagmay-ari ng 140 acre sa East Federal Way.
Tinatantiyang Halaga: $56,000
Lokasyon: Bahagi ng Military Road sa pagitan ng S 320th Street at S 340th Street sa unincorporated King County
Pagbabago ng Senior Center: Pagpapahusay sa gusali at lugar ng Senior Center ($210,000)
Pagandahin ang lugar at ang loob/labas ng gusali. Direktang paggawad sa Federal Way Senior Center. Paghusayin ang kaligtasan, pag-access, at ginhawa sa Senior Center para makalikha ng mas inklusibong lugar at magbigay-daan sa mga pinalawak na serbisyo para pagyamanin ang buhay ng mga senior at palakasin ang ugnayan ng komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $210,000
Lokasyon: 4016 S 352nd Street, Auburn
Malakas na Komunidad: Pampublikong espasyo ng komunidad sa Integrity Life Church ($1,250,000)
Bumuo ng isang multifunctional na espasyo ng komunidad na bukas sa lahat sa pag-aari ng Integrity Life Church. Direktang paggawad sa Integrity Life Church. Lumikha ng isang espasyo sa pagtitipon ng komunidad kung saan lahat ay tinatanggap sa unincorporated na lugar ng Silangang Federal Way. Ang espasyo ay maaaring maging lugar ng mga programa bago/pagkatapos sa eskwelahan, mga kuwarto para sa pagpupulong, basketball/athletic indoor court, atbp.
Tinatantiyang Halaga: $1,250,000
Lokasyon: 37603 28th Avenue S, Federal Way 98003