Community Healing Center: Pagbili ng Pag-aari at mga Pagsasaayos para sa The Silent Task Force (Task House) |
Pondo sa Pagpapayos sa Skyway Housing |
Skyway Resource Center: Pagkumpleto ng mga Pagsasaayos ng Gusali |
Pagbili ng Pag-aari: Skyway Community Land Trust |
Ibinalik na Pag-asa: Paghusayin ang mga Pasilidad ng REACH Renton Shelter |
Community Healing Center: Pagbili ng Pag-aari at mga Pagsasaayos para sa The Silent Task Force (Task House)
Magbigay ng pondo para sa The Silent Task Force para bumili ng gusali sa lugar ng Skyway/West Hill. Ang pondo ay maaari ring gamiting para sa pagsasaaayos ng mga pag-aari. Direktang igawad sa The Silent Task Force. Lumikha ng isang nananatiling sentro para sa mga mahahalagang serbisyo, nagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay, kabutihan, at pangmatagalang katatagan ng komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak ng hinaharap ng Silent Task Force-Task House/ Sa kasalukuyan ang Task House ay nagsisilbing isang sentrong lugar ng komunidad, nagbibigay ng suporta sa paninirahan, programang apprentice, lugar ng pamamahal ng pagkain, digital lab, isang kusina para sa komunidad, espasyo para sa isang nagsasagawa ng holistic medicine, at marami pang iba. Tiyakin ang patuloy na suporta para sa mga residente ng Skyway na nasa laylayan, mababa ang kita, at/o nakatatanda.
Tinatantiyang Halaga: $1,600,000
Lokasyon: 11410 Renton Avenue S, Seattle WA 98178
Pondo sa Pagpapayos sa Skyway Housing
Magbigay ng pondo para sa pagpapaayos ng mga bahay ng mga residente ng Skyway/West Hill na may mababang kita. Gawing available ang mga mapagkukuhanan ng para sa pagpapaayos ng bahay ayon sa alituntunin ng programa sa Pagpapaayos ng Bahay ng King County.
Tinatantiyang Halaga: $300,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill
Skyway Resource Center: Pagkumpleto ng mga Pagsasaayos ng Gusali
Magbigay ng pondo para makumpleto ang pagsasaayos ng gusali ng Skyway Resource Center. Magbigay ng ligtas at malalapitang espasyo para sa mga miyembro ng komunidad para makatanggap ng mga mapagkukunan.
Tinatantiyang Halaga: $250,000
Lokasyon: 12610 76th Avenue S, Seattle WA 98178
Pagbili ng Pag-aari: Skyway Community Land Trust
Pondohan ang trabaho para sa predevelopment pag-aari para sa isang community land trust for development of affordable housing in the unincorporated Skyway/West Hill area. Direktang igawad sa Skyway Coalition. Pondohan ang trabaho para sa predevelopment pag-aari para sa isang community land trust for development of affordable housing in the unincorporated Skyway/West Hill area. Direktang igawad sa Skyway Coalition
Tinatantiyang Halaga: $2,000,000
Lokasyon: TBD
Ibinalik na Pag-asa: Paghusayin ang mga Pasilidad ng REACH Renton Shelter
I-upgrade ang mga lumang banyo at paghusayin ang wiring para sa isang bagong 4 na unit na shower trailer sa Sentro ng Pag-asa ng REACH Renton (sa Lakeridge Lutheran Church). Direktang igawad sa Lakeridge Luthern Church. I-upgrade ang pasilidad ng shelter upang ang Sentro ng Pag-asa ng REACH Renton ay patuloy na magbigay ng isang ligtas at malalapitang kanlugan para sa mga bulnerableng pamilya at mga indibidwal, pinapataas ang kanilang dignidad at kalngan sa panahon ng krisis. Magsisilbi hanggang sa 10 pamilya at 2 babae nang magkasabay sa isang ligtas at nagsusuportang kapaligiran.
Tinatantiyang Halaga: $50,000
Lokasyon: 7465 S 112th Street, Seattle WA 98178