10. The Silent Task Force: Suporta sa Programa |
13. Suporta sa Annual Nia Festival & Parade |
15. Gawing Sustainable ang Skyway Laundromat |
1. Mga Empowerment Grant: Pagpopondo sa mga Proyekto sa Komunidad |
6. Ligtas na Skyway: Mga Anti-Theft Device para sa mas Ligtas na Kapitbahayan |
11. Skyway Farmers Market at Bazaar |
4. Pagmamapa ng Hustisya: Proyektong Equitable Geospatial Ecosystem |
5. Double Dutch Divas: Tumalon tungo sa Kalusugan at Pagkakaisa |
3. Binubuo ang Kinabukasan: Programang Pagsasanay sa Trabahong Living Wage ng Fresh Family |
9. Renaissance 2.0: Programang Sining sa Pagtatanghal sa Kabataan |
8. Pagpapalakas ng boses ng mga estudyante: Speak with Purpose/Programa sa Pagsasalita sa Publiko sa Paaralan |
16. Flyabove Athletics Program: Mind, Body & Spirit @ Nomad Boxing Gym |
14. Sariwang Pagkain para sa Lahat: Skyway Food Hub |
7. Pondo sa Operasyon ng Gusali: Skyway Resource Center |
12. "Pagdiriwang at Festival ng Juneteenth sa Skyway " |
17. AISLE 4OUR: Arcade/STEAM Studio |
2. Cutting Edge: Bigyang Kapangyarihan ang mga Komunidad sa Pamamagitan ng Edukasyon sa Pagiging Barbero |
Tala: Ang mga proyektong ito ay random ang kaayusan.
10. The Silent Task Force: Suporta sa Programa
Pondo para sa iba't ibang programa na pinatatakbo ng The Silent Task Force. Direktang igawad sa The Silent Task Force 501(C)(3). Suportahan ang mga mahahalagang programa na nag-aangat sa komunidad, kabilang na ang mga pre-apprenticeship, pagsasanay sa trabaho (On My Grind), kaalamang digital sa mga nakatatanda, hustisya sa pagkan, malusog na pakikipag-relasyon, at suporta sa kawalan ng tahanan. Ang mga inisiyatibang ito ay nagbibigay kapangyarihan sa mga bulnerableng residente at numuo ng mas matibay at mas matatagay na Skyway.
Tinatantiyang Halaga: $250,000
Lokasyon: The Silent Task Force - Task House, 11410 Renton Avenue S, Seattle WA 98178
13. Suporta sa Annual Nia Festival & Parade
Ang Nia Fest ay isang taunang pagdidiwang sa tag-init ng kulutra at pamanang Black sa komunidad ng Skyway/West Hill. Sa pamamagitan ng live na musika, mga laro, at pagpapahayag ng kultura, ang festival ay nagtataas at pinaparangalan ang yaman ng karanasan ng mga Black, lumlikha ng pagkakaisa, ligaya, at pagmamalaki sa komunidad. Kabilang sa festival ay isang parada sa distrito ng negosyo at mga pagdriwang sa Skyway Park. Direktang igawad sa Nia Fest 501(C)(3). Ipadiwang ang kultura at pamana ng mga Black sa Skyway/West Hill, lumilikha ng pagkakaisa at pagmamalaki sa pamamagitan ng live na musika, pagtatanghal na kultural, at parada. Ang taunang kaganapan na ito ay nagpapatibay ng ugnayan ng komunidad, sinusuportahan ang mga lokal na negosyo, at nagbibigay ng masayang espasyo para sa pagpapahayag ng kultura, nagbibigay ng inspirasyon sa pagmamalaki at katatagan sa susunod na henerasyon.
Tinatantiyang Halaga: $85,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill
15. Gawing Sustainable ang Skyway Laundromat
Suportahan ang programang Loads of Love para magbigay ng libreng buwanang serbisyo sa paglalaba sa Skyway Laundromat para sa mga residente ng Skyway na mababa ang kita. Direktang igawad sa Fresh Family, LLC. Magbigay ng kinakailangang serbisyo para sa mga nangangailangan, tinitiyak ang pagkakaroon ng malinis na damit at pagsuporta sa kabutihan sa kabuuan. Ang pondo ay tutulong sa pagpapatuloy ng libreng programa sa paglalabas para sa mga miyembro ng komunidad na may mababang kita. Ang programa ay iaalok bawat buwan sa loob ng isang taon.
Tinatantiyang Halaga: $50,000
Lokasyon: 12629 Renton Avenue S, Unit C, Seattle WA 98178
1. Mga Empowerment Grant: Pagpopondo sa mga Proyekto sa Komunidad
Pondohan ang programang PB Empowerment Grant, isang bukas na proseso ng grant para sa mga mungkahing programa at/o mga serbisyo. Mga kategorya: programa sa kabataan, pagpapahusay ng ekonomiya/lakas paggawa, kalusugan/kabutihan, sining sa komunidad, mga kaganapan/festival, pagbubuo ng kakayahan sa komunida. Isang bukas at inklusibong proseso ng grant upang hikayatin ang mga miyembro ng komunidad at magmungkahi at magpatupad ng mga proyekto na tumutugon sa mga kinakailangan ng lugar. Lumikha ng mga solusyon na pinangungunahan ng komunidad na pinahuhusay ang kabutihan, katatagan ng pamumuhay, at sigla ng kultura ng komunidad, at bigyang-kapangyarihan ang mga residente para aktibong hubugin ang kanilang kinabukasan at lumikha ng nagtatagal na positibong pagbabago.
Tinatantiyang Halaga: $350,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill
6. Ligtas na Skyway: Mga Anti-Theft Device para sa mas Ligtas na Kapitbahayan
Pagbibigay ng mga libreng steering wheel lock, Blink security camera, and Ring doorbell cameras sa mga residente ng Skyway upang mabawasan ang pagnanalaw at pagkasira ng ari-arian. Bigyang kapangyarihan ang mga kasapi ng komunidad na protektahan ang kanilang mga tahanan at sasakyan habang pinalalaganap ang isang mas ligtas at mas konektadong kapitbahayan. Ipatutupad ng King County ang programa. Paghusayin ang seguridad, bawasan ang krimen, pagtibayan ang ugnayan ng komunidad, na ginagawang mas ligtas na lugar ang Skyway para sa lahat.
Tinatantiyang Halaga: $100,000
Lokasyon: Sa kabuuang ng unincorporated Skyway/West Hill, sinumang residente o may-ari ng negosyo.
11. Skyway Farmers Market at Bazaar
Pondohan ang Dare2Be upang suportahan ang isang buwanang kaganapan sa komunidad na nag-aalok ng access sa mga mapagkukunan sa kalusugan at kabutihan, mga lokal na prutas at gulay mula sa mga magsasaka, mga produkto ng artisano, at saya sa pamilya. Sinusuportahan din ang mga pagkakataon sa pagnenegosyo at hikayatin ang komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad upang lumikha ng pag-aari ng lugar. Programang tatakbo mula Marso hanggang Oktubre 2025. Direktang igawad sa Dare2Be. Bigyang kapangyarihan ang komunidad ng Skyway sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariwa at lokal na prutas at gulay, sinusuportahan ang mga maliliit na negosyo, at paglikha ng isang masigla at inklusibong espasyo para mag-ugnayan ang mga pamilya - lahat ng ito habang pinapalaganap ang kalusugan at pag-unlad ng ekonomiya sa kapitbahayan.
Tinatantiyang Halaga: $150,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill Business District
4. Pagmamapa ng Hustisya: Proyektong Equitable Geospatial Ecosystem
Magbigay-kapangyarihan sa Skyway/West Hill sa pamamagitan ng pagmamapa ng komunidad sa Geographic Information Systems (GIS). Mag-alok ng libreng workshop sa pagmamapa ng komunidad at pagsasanay sa trabaho para sa mga kabataan at nakababatang husto sa gulang edad 16 hanggang 25 sa Skyway. Direktang igawad sa PEARi/Pro-Equity Anti-Racism Institute. Bigyan ang mga residente ng Skyway ng mahalagang kasanayan sa pagmamapa at data (GIS) upang magbigay-daan sa pagbabago sa lipunan batay sa teknolohiya, lumikha ng lokal na oportunidad sa trabaho, at ipalaganap pagkakapantay-pantay at hustisya. Ang mga residente ay gagamit ng mga digital na kagamitan para lumikha ng mga detalyadong mapa na nagtatampok sa mahahalagang lokal na lugar tulad ng mga panandang lugar, mapagkukunan, at serbisyo. Ito ay magbibigay kapangyarihan sa komunidad para gumawa ng may-alam na desisyon tungkol sa pagpapkano, pagpapaunlad, at paglalaan ng mapagkukunan at lumkha ng mas malakas at mas patas na hinaharap para sa Skyway.
Tinatantiyang Halaga: $150,000
Lokasyon: Skway/West Hill (tutukuyin ang lokasyon)
5. Double Dutch Divas: Tumalon tungo sa Kalusugan at Pagkakaisa
Ang Double Dutch Divas ay isang inisiyatiba na sinimulan ng komunidad na pinagsasama ang pag-eehersisyo, saya, at koneksyong panlipunan sa pamamagitan ng sining ng double dutch. Isang sesyon ng luksong-lubid sa mga lokal na parke, espasyo sa komunidad, at paaralan, tinuturuan nila kapwa ang mga kabataan at hustong gulang ang kasanayan sa pag-ikot at pagtalon habang pinalalaganap ang pagtutulungan bilang grupo, pamumuno, at malusog na pamumuhay. Direktang igawad sa Double Dutch Divas. Paghusayin ang pisikal na kalusugan, pagtibayin ang ugnayang panlipunan, at magbigay ng pagpapayo habang gumagawa ng sumusuportang kapaligiran na bumubuo ng kasanayan sa pamumuno at tumutugon sa mga panlipunan at emosyonal na pangangailangan.
Tinatantiyang Halaga: $120,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill
3. Binubuo ang Kinabukasan: Programang Pagsasanay sa Trabahong Living Wage ng Fresh Family
Maglunsad ng isang libreng programa para sa kasanayan sa trabaho para sanayin ang mga residente ng Skyway na may mababang kita para sa mga living-wage na trabaho sa industriya ng pagtatrabaho sa konstruksyon. Magbigay ng personal na karanasan at pagpapaunlad ng kasanayan. Direktang igawad sa Fresh Family, LLC. Lumikha ng mga landas para sa katatagang pang-ekonomiya at pag-unlad ng karera, tinutulungan ang mga residente na makakuha ng mga mahahalagang kasanayan at makatiyak ng mga trabahong living-wage sa industriya ng konstruksyon. Sanayin ang mga kalahok ng mga kinakailangang kasanayan upang makakuha ng pirmi at magandang bayad na trabaho, habang nag-aalok din ng pagpapayo para mapaunlad ang mga kinakailangang kasanayan sa buhay.
Tinatantiyang Halaga: $220,000
Lokasyon: Unincorporated Skyway/West Hill
9. Renaissance 2.0: Programang Sining sa Pagtatanghal sa Kabataan
Mag-alok ng 10-buwang karanasan sa sining sa pagtatanghal para sa mga kabataan edad 8 hanggang 18, tampok ang mga linguhang klase sa piano, pag-arte, pagsayaw, at pagkanta na mga may karanasang artista. Palaganapin ang pagkamalikhain at pagtutulungan sa grupo sa kabuang ng akademikong taon, na magtatapos sa mga pagtatanghal ng recital sa komunidad. Direktang igawad sa Acts On Stage Theater. Bigyang kapangyarihan ang mga kabataan sa pamamagitan ng sining, nagbibigay ng nagsusuporta kapaligiran kung saan pinauunlad ng mga estudyante ang kanilang mga talento, binubuo ang tiwala sa sarili, at kumonekta sa kanilang komunidad, pinayayaman ang kultura at binibigyang inspirasyon ang susunod na henerasyon ng mga artista.
Tinatantiyang Halaga: $82,000
Lokasyon: Acts on Stage Theater
8. Pagpapalakas ng boses ng mga estudyante: Speak with Purpose/Programa sa Pagsasalita sa Publiko sa Paaralan
Bayad para sa isang programa/kurikulum sa pagsasalita sa publiko. Direktang igawad sa Speak with Purpose, LLC. Tugunan ang pagkakaiba sa edukasyon ng mga komunidad na hindi gaanong napagsisilbihan, kung saan ang mga estudyante at pamilyang may kulay ang balat at madalas kulang ang access sa mga mapagkukunan. Sa pamamagitan ng pagtutok sa pagsasalita sa publiko at kasanayan sa komunikasyon, pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon, paghusayin ang oportunidad sa trabaho, at lumkha ng ugnayan ng komunidad para sa pangmatagalang tagumpay.
Tinatantiyang Halaga: $96,000
Lokasyon: Campbell Hill Elementary School, Lakeridge Elementary School, and Dimmitt Middle School
16. Flyabove Athletics Program: Mind, Body & Spirit @ Nomad Boxing Gym
Magbigay ng pondo para sa libreng klase sa ehersisyo at mga workshop para sa mga residente ng Skyway na may mababang kita at suporta sa gastos sa pagpapatakbo ng programa. Direktang igawad sa Flyabove Athletics. "Pondohan ang programa sa fitness sa Nomad Boxing Gym. Magbigay ng mahalagang oportunidad sa ehersisyo at kabutihan sa isang lugar na mababa ang kita na walang sentro ng komunidad o gym. Suportahan ang malulusog na pamumuhay at pagtibayan ang ugnayan ng komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $100,000
Lokasyon: 12600 Renton Avenue S, Seattle WA 98178
14. Sariwang Pagkain para sa Lahat: Skyway Food Hub
Lumikha ng isang masiglang sentro ng komunidad sa Business District ng Skyway, nagbibigay ng madaling access sa sariwang prutas at gulay, karne, at mga kinakailangang produkto. Ang pondo ay gagamtin para lumkha ng isang sentro sa pamamahagi ng pagkain na maaaring mamahagi ng pagkain sa pamamagitan ng walk-up, drive-through, at pagpapadala sa bahay para sa mga miyembro ng komunidad, at para patakbuhin ang programa sa pamamahagi ng pagkain. Direktang igawad sa TEC Church. Palaganapin ang mas malusog na pamumuhay at pagtibayin ang koneksyon sa komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak sa lahat ay madaling makakuha ng masustansiyang pagkain. Nagbibigay ng ospyon na walk-up, drive-through, o pagpapadala sa bahay para sa pamamahagi ng pagkain.
Tinatantiyang Halaga: $100,000
Lokasyon: 12600 Renton Ave South, Seattle WA 98178
7. Pondo sa Operasyon ng Gusali: Skyway Resource Center
Suporta para sa sentro ng mapagkukunan ng komunidad. Direktang igawad sa organisasyon na pinatatakbo ang Center na gagamitin sa gastos sa operasyon. Ang Skyway Resource Center:ay magbibigay ng mga kinakailangang serbisyo at suporta sa komunidad sa pamamagitan ng pagsisilbing sentrong lugar para sa mga mapagkukunan, may pondo na tinitiyak ang patuloy na operasyon ng sentro at malalapitan ng lahat ng residente.
Tinatantiyang Halaga: $100,000
Lokasyon: Skyway Resource Center Building 12610 76th Ave S., Seattle, WA 98178
12. "Pagdiriwang at Festival ng Juneteenth sa Skyway "
Pondohan ang Dare2Be upang suportahan ang isang libre, nakatuon sa komunidad na kaganapan na pinagangaralan ang pamanang African-American at nagpapalganap ng pagmamalaki sa kultura sa pamamagitan ng mga koneksyon, edukasyon, at pagbibigay-kapangyarihan. Ang kaganap ay magtatampok ng job fair para sa mga kabataan, iba't ibang pagliliban, mga lugar para sa mapagkukunan, at pagsilbihan ang iba't ibang pangangailangan ng higit sa 1,000 dadalo, lilikha ng isang malakas at nagkakaisang komunidad. Direktang igawad sa Dare2Be. Ipagdiwang ang Juneteenth na may pagtuon sa pagbubuo ng komunidad, edukasyon at access sa mga mapagkukunan. Palakasin ang naratbo ng pamumuno na nakasentro sa Black, pagmamalaki sa kultura, at positibong epekto sa loob ng komunidad ng Skyway-West Hill, pinatitibay ang papel nito bilang isang lugar ng pagkakaiba at katatagan sa Washington State.
Tinatantiyang Halaga: $110,000
Lokasyon: Campbell Hill Elementary
17. AISLE 4OUR: Arcade/STEAM Studio
Bigyang-kapangyarihan ang mga kabataan ng Skyway na tuklasin ang mga karera sa industriya ng gaming at larangan ng STEAM (Science, Technology, Engineering, Arts, and Mathematics) sa pamamagitan ng pagpopondo sa programang AISLE 4OUR (Arcade Four Youth incubator). Linangin ang mga oportunidad sa karena sa gaming at STEAM para sa mga kabataan ng Skyway. Ilapit ang espasyo sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at may epektong propesyonal na landas. Palakasin ang lakas paggawa ng komunidad sa hinaharap sa pamamagitan ng libreng access sa mga mapagkukunan at pagpapayo.
Tinatantiyang Halaga: $100,000
Lokasyon: 11427 Rainier Avenue S, Seattle WA 98178
2. Cutting Edge: Bigyang Kapangyarihan ang mga Komunidad sa Pamamagitan ng Edukasyon sa Pagiging Barbero
Paglulunsad ng isang paaralan sa pagiging barbero na idinisenyo para sa benepisyo ng mga hindi gaanong napaglilingkurang komunidad, binibigyan ang mga indibidwal ng mahahalagang kaalaman at oportunidad sa pagtatrabaho. Magbigay ng libre at mas murang pagsasanay para sa miyembro ng komunidad ng Skyway. Direktang igawad sa Personal Touch Barbershop, LLC. Magbigay ng nakaangkop, tumutugon sa kultura na edukasyon at oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lisensya sa pagiging barbero habang binibigyang kapangyarihan ang mga indibidwal na malampasan ang mga balakid na pang-ekonomiko at umambag sa mas pantay na lipunan.
Tinatantiyang Halaga: $125,000
Lokasyon: "Personal Touch Barbershop, LLC. 12629 Renton Avenue Suite B, Seattle WA 98178"