Napili mo ang
0 / 0
proyekto.

Ito ay isang preview lang. Hindi ire-rekord ang iyong boto.

Mga Instruksyon

  1. Piliin ang mga proyekto na gusto mong suportahan. Maaari kang bumoto ng hanggang 4 proyekto.
  2. I-click ang "Isumite ang Aking Boto" na button kapag handa ka nang isumite ito.


Khmer Cultural Center: Tulungang Matapos ang Pagpapatayo

Pondohan ang nagaganap na proyektong pagbubuo. Direktang igawad sa TBD. Ang Khmer Community Center ay nagsisilbing isang sentro ng kultura upang lumikha ng mas malalalim na pag-unawa sa pamanang Khmer at magbigay ng espasyo para sa ugnayan ng komunidad at edukasyon para sa lahat.

Tinatantiyang Halaga: $600,000

Lokasyon: 824 S 100th Street, Seattle WA 98168

   

Image for Khmer Cultural Center: Tulungang Matapos ang Pagpapatayo

Palaruan sa White Center Heights Elementary: Paglaki kasama ng Komunidad

Paghusayin ang kasalukuyang palaruan para suportahan ang programang soccer ng paaralan at lumikha ng espasyo sa labas para sa paggamit ng komunidad. Direktang igawad sa Highline School District para sa White Center Heights Elementary. Magbigay ng isang ligtas at naghihikayat na espasyo para sa mga lokal na pamilya. Ang isang bagong lugar na paglalaruan para sa mga bata ay makakatulong sa mas matibay na komunidad.

Tinatantiyang Halaga: $700,000

Lokasyon: 10015 6th Avenue SW, Seattle WA 98146

   

Image for Palaruan sa White Center Heights Elementary: Paglaki kasama ng Komunidad

Muling Buhayin: Evergreen Aquatic Center

Suportahan ang pagsasaayos ng gusali/pasilidad. Direktang igawad sa Evergreen Aquatic Center. Ang aquatic center ay nagbibigay na lubos na kinakailangan na espasyo para sa paglilibang at edukasyon para sa isang komunidad na hindi masyadong napaglilingkuran. Ito ay nagtataguyod ng kalusugan, kabutihan, at kaligtasan sa tubig para sa mga residente anuman ang edad. Ang pagbuhay muli sa pasilidad na ito ay magbibigay ng pantay na paggamit sa mga programang aquatiko, paglikha ng ugnayan ng komunidad, at pagpapahusay sa kabuuang kalidad ng buhay ng komunidad.

Tinatantiyang Halaga: $750,000

Lokasyon: 606 SW 116th Street, Seattle WA 98146

   

Image for Muling Buhayin: Evergreen Aquatic Center

"Cascade Middle School: Multilingual na Reader Board para sa Koneksyon ng Komunidad "

Magkabit ng bagong LCD multilingual reader board ng komunidad sa pag-aari ng paaralan. Direktang igawad sa Highline School District para sa Cascade Middle School. Tulungan ang lahat ng mga pamilya na manatiling may-alam at nakaugnay, suporta sa mas inklusibong kapaligiran ng paaralan, at lumikha ng mas matibay na koneksyon sa pagitan ng paaralan at iba't iba nitong komunidad.

Tinatantiyang Halaga: $60,000

Lokasyon: 11212 10th Avenue SW, Seattle WA 98146

   

Image for "Cascade Middle School: Multilingual na Reader Board para sa Koneksyon ng Komunidad     "

Pagsasaayos ng Palaruan: North Shorewood Park

Gumawa ng pag-aaral para suriin ang kasalukuyang kagamitan sa palaruan at pagpapahusay ng gamit nito. Ayon sa resulta ng pag-aaral at badyet, gamitin ang nalalabing pondo para ipatupad ang proyekto. Magbigay ng ligtas at naghihikayat na lugar para magsagawa ng pisikal na aktibidad.

Tinatantiyang Halaga: $300,000

Lokasyon: 10044 24th Avenue SW, Seattle, WA 98146

   

Image for Pagsasaayos ng Palaruan: North Shorewood Park

Saan Tayo Nagsasama-sama: Bumili ng pag-aari para sa isang multi-kultural na sentro.

Magbigay ng pondo para sa isang organisasyon sa komunidad para bumili ng pag-aari sa White Center business district, at gamitin ang lugar bilang isang multikultural na sentro ng komunidad. Hiling Para sa Mungkahi. Paghusayin ang pagkikilahok ng komunidad at magbigay ng mapagkukunan/pasilidad para sa iba't ibang grupo.

Tinatantiyang Halaga: $1,500,000

Lokasyon: White Center Business District

   

Pag-iilaw sa White Center: Pagpapabuti ng Ilaw sa Kalsada

Gumawa ng pag-aaral upang suriin ang pagpapabuti ng pag-iilaw sa kalsada sa White Center Business District. Gamitin ang mga nalalabing pondo para bayaran ang mga upgrade sa pag-iilaw, ayon sa resulta ng pag-aaral at badyet. Paghusayin ang nakikita sa gabi, binabawasan ang mga aksidente at pinapabuti ang kaligtasan kapwa ng mga naglalakad at nagmamaneho.

Tinatantiyang Halaga: $700,000

Lokasyon: White Center Business District