9. Evergreen Student Empowerment Initiative |
4. That’s My Play Cousin: Pagpapalakas ng Tinig sa Pamamagitan ng Literatura |
8. White Center Business Chronicles: Makabagong Proyekto |
2. Umuunlad na Business District |
18. Cascade Middle School: Pondo para sa Programang Bago sa Paaralan |
14. Evergreen Aquatic: Libreng Pag-aaral sa Paglangoy |
12. Pondo sa Programang Sports Pagkatapos ng Paaralan |
17. Wolverine Select |
1. Suporta sa White Center Food Bank |
7. Iskolarsyip para sa mga Senior ng Evergreen High School |
16. Feed the Streets Program: Programang Pagsuporta at Pagpapayo sa Kabataan ng White Center |
11. Mga Kaganapan sa Komunidad: Pondo para suportahan ang mga lokal na kaganapan sa komunidad. |
13. Pondo sa Programang Sining ng Komunidad |
5. Sound Futures: Programa sa Sining sa Pagtatanghal at Mariachi ng White Center |
10. Seeds to Gardens |
3. Renaissance 2.0: Programang Sining sa Pagtatanghal sa Kabataan |
6. Eazy Duz It: Programa sa Pagbubuo ng Low Rider Bike sa Kabataan |
15. Suportang pondo para sa: YWCA - YES Youth Empowerment Services |
Tala: Ang mga proyektong ito ay random ang kaayusan.
9. Evergreen Student Empowerment Initiative ($68,000)
Dalawang taon na inisiyatiba para magbigay ng pinansiyal na suporta sa 10 estudyante bawat buwan, na ang suporta ay nakakonekta sa kontribusyon ng estudyante sa paaralan. Ang pondo ay susuporta sa oportunidad sa propesyonal na pagpapaunlad sa pamamagitan mga workshop at pagdalo sa mga summer camp ng Association of Washington Student Leaders na nagaganap dalawang beses isang taon at magtatag ng isang podcasting studio sa Evergreen High School. Direktang igawad sa White Center CDA. Bigyang kapangyarihan ang mga estudyante na makagawa ng makabuluhang epekro sa kanilang paaralan at komunidad, lumilikha ng kultura ng pagkamit ng tagumpay at pagbabago sa Evergreen High School.
Tinatantiyang Halaga: $68,000
Lokasyon: Evergreen High School/Highline School District
4. That’s My Play Cousin: Pagpapalakas ng Tinig sa Pamamagitan ng Literatura ($160,000)
Paglikha ng "That’s My Play Cousin", isang online na platform na nakatuon sa pagpapalaganap ng mga iskrip, ng mga naitatanghal na literatura, at digital na content ng mga taong may kulay at may pananampalataya. Sinusuportahan ang mga independent na manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pandaigdigang merkado para sa kanilang obra, kasama ang mga workshop at suportang promosyon upang tulungan silang lumikha at ibahagi ang kanilang mga natatanging kuwento. Direktang igawad sa Acts On Stage Theater. Bigyang kapangyarihan ang mga tinig ng mga nasa laylayan sa pamamagitan ng pagpapanatili at promosyon ng kanilang mga kuwento. Nagbibigay ng platform sa mga manunulat upang umabot sa mga manonood sa daigdig at tiyakin ang magkakaibang mga pananaw.
Tinatantiyang Halaga: $160,000
Lokasyon: Acts on Stage 10806 12th Avenue SW, Seattle WA 98146
8. White Center Business Chronicles: Makabagong Proyekto ($75,000)
Idokumento ang paglalakbay ng walang may-ari ng negosyo sa White Center sa loob ng 12 buwan at gumawa ng 16 mini-documentary at karagdagang content para sa social media. Magbigay ng pagtingin sa hamon at tagumpay ng mga negosyong ito. Hiling Para sa Mungkahi. Magbigay ng inspirasyon sa mga lokal na negosyante, lumikha ng nananatiling ekonomiya, at itampok ang kahalagahan ng representasyon sa pagpapaunlad ng negosyo.
Tinatantiyang Halaga: $75,000
Lokasyon: Iba't ibang lokasyon sa kabuuan ng unincorporated White Center/North Highline
2. Umuunlad na Business District ($200,000)
Itatag ang White Center Business Alliance para suportahan ang mga malilit na lokal na negosyo at kaganapan sa komunidad. Ang Alyansa ay magpapatupad ng mga proyektong sining para suportahan ang paglilinis ng mga graffiti. Direktang igawad sa White Center Business Alliance. Palakasin ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga maliliit na negosyo at paglikha ng mga kaganapan sa komunidad na nagsasama-sama sa mga tao. Pagandahin ang mga pampublikong espasyo, paghusayin ang pagmamalaki sa komunidad, at lumika ng isang mas makulay at konektadong kapitbahayan sa pamamagitan ng mga inisiyatiba tulad ng mga mural ng sining para sa paglilinis ng graffiti.
Tinatantiyang Halaga: $200,000
Lokasyon: White Center Business District
18. Cascade Middle School: Pondo para sa Programang Bago sa Paaralan ($75,000)
Sa pamamagitan ng isang programang bago sa paaralan sa isang middle school sa mababang kita, magbigay ng masustansiyang almusal at isang ligtas at nagsusuportang kapaligiran sa pagsisimula ng kanilang araw. Tiyakin na ang mga bata ay may access sa masustansiyang pagkain at nakahandang aktibidad bago ang paaralan, tumutulong na mabawasan ang hindi pagkakapantay sa pagkain at paghusayin ang pagganap sa paaralan. Direktang igawad sa Highline Schools Foundation. Mag-alok ng maaasahang almusal at ligtas ng espasyo para sa mga mag-aaral bago sa paaralan upang tugunan ang mahalagang kailangan sa komunidad. Paghusayin kapwa ang pisikal at mental na kabutihan ng mga bata. Magtaguyod ng mas mabuting konsentrasyon at tagumpay na akademiko habang inaalis ang problema sa mga pamilya at paglikha ng isang mas malakas at mas malusog na komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $75,000
Lokasyon: Cascade Middle School
14. Evergreen Aquatic: Libreng Pag-aaral sa Paglangoy ($26,000)
Palakasin ang mga serbisyo sa paglangoy at pagbibigay na iskolarsyip sa paglangoy. Tumuon sa mga pagsisilbi sa kabataan na hindi gaanong napagsisilbihan at/o mga pamilya ay may mababang kita. Direktang igawad sa Evergreen Aquatic Center. Palaganapin ang kaligtasan asa tubig at pagpapahusay ng kasanayan, tiyakin ang patas ng edukasyon sa paglangoy, at bigyan kapangyarihan ang komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $26,000
12. Pondo sa Programang Sports Pagkatapos ng Paaralan ($120,000)
Magbukas ng proseso ng aplikasyon ng grant para pondohan ang mga programang sports pagkatapos ng paaralan. Hikayatin ang mga kasapi ng komunidad na magmungkahi at magpatupad ng mga makabuluhang proyekto na tumutugon sa kailangan ng komunidad. Lumikha ng mga solusyon na pinangungunahan ng komunidad na pinahuhusay ang kabutihan, katatagan ng pamumuhay, at sigla ng kultura ng komunidad, at bigyang-kapangyarihan ang mga residente para aktibong hubugin ang kanilang kinabukasan at lumikha ng nagtatagal na, positibong pagbabago.
Tinatantiyang Halaga: $120,000
17. Wolverine Select ($30,000)
Mag-alok ng libreng Amateur Athletic Union (AAU) Youth Basketball sa White Center para makalahok ang mga lokal na kabataan sa mataas na lebel ng kompetitibong basketball nang walang hirap sa pinansiya sa pagbabaya ng bayarin sa AAU. Tiyakin na lahat ng pamilya, anuman ang iyong estadong pang-ekonomiya, ay may akses sa positibong karanasan sa isports para sa kanilang mga anak. Direktang igawad sa Highly Rated 501(C)(3). Bigyang kapangyarihan ang mga kabataan ng White Center na paunlarin ang kanilang tiwala sa sarili, kakayahan sa pamumuno, at pagtutulungan sa grupo, pinapaunlad ang kanilang paglaki sa isang responsable at nakaugnay na miyembro ng lipunan. Alisin ang responsibilidad sa pinansiya sa mga pamilya, na lumilikha ng mas inklusibo at sumusuportang kapaligiran ng komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $30,000
1. Suporta sa White Center Food Bank ($200,000)
Magbigay ng pinansiyal na suporta para sa pagpapatakbo ng pasilidad at programa. Direktang igawad sa White Center Food Bank. Suportahan ang lumalaking demand (hanggang 40% sa 2023) at magbigay ng pagkain sa mga kasapi ng komunidad na nangangailangan.
Tinatantiyang Halaga: $200,000
Lokasyon: "10016 16th Avenue SW Seattle WA 98146"
7. Iskolarsyip para sa mga Senior ng Evergreen High School ($80,000)
magbigay ng 101 iskolarsyip sa halagang $500-$1000 sa magtatapos na Senior ng Evergreen upang tulungan sila na mabawasan ang gastos sa kolehiyo o pagtatrabaho. Ang tulong pinansiyal ay hindi magsisimula hanggang sa pagpapatala. Bayad para sa gastos sa dorm, mga bayarin, transportasyon, at kagamitan sa paaralan sa paggawa. Direktang igawad sa YES Foundation of White Center. Pagaanin ang gastos pinansiyal sa kolehiyo at pagtatrabaho, binibigyang kapangyarihan ang mga estudyante na magkaroon ng mas mataas na edukasyon at pagsasanay sa bokasyon nang walang agarang pag-aalala sa pagbabayad sa dorm, mga bayarin, transportasyon, at kagamitan sa paaralan sa paggawa.
Tinatantiyang Halaga: $80,000
Lokasyon: Evergreen High School/Highline School District
16. Feed the Streets Program: Programang Pagsuporta at Pagpapayo sa Kabataan ng White Center ($30,000)
Bigyan ang mga nasa panganib na kabataan at batang nasa hustong gulang sa White Center ng libreng pagpapayo mula sa mga nasa hustong gulang na lumaki sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga aktibidad, diskusyon, at pagkain tulad ng pamilya, ito ay nag-aalok ng gabay, katatagan, at pakiramdam na tinatanggap sa mga kulang sa suporta ng pamilya, tinutulungan silang malayo sa kalsada at gumawa ng positibong desisyon sa buhay. Direktang igawad sa Highly Hated, LLC 501(c)(3). Nag-aalok ng mahalagang tulong upang malayo sa kalsada ang mga kabataan at batang nasa hustong gulang at umugnay sa mga positibo at naglilinang na kapaligiran. Sa pamamagiran ng pagkonekta sa kanila sa mga lokal na tagapayo at pagbibigay ng matatag na sistema ng suporta, makatutulong ang programa na bumuo ng tiwala sa sarili, kasanayan sa buhay, at pakiramdam ng pamilya, na lumilikha ng mas ligtas at mas matatag na komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $30,000
11. Mga Kaganapan sa Komunidad: Pondo para suportahan ang mga lokal na kaganapan sa komunidad. ($200,000)
Magbukas ng proseso ng aplikasyon ng grant para pondohan ang mga lokal/taunang kaganapan sa komunidad. Humili ng mga mungkahi sa mga sumusunod na uri ng kaganapan sa komunidad. Low Rider Block Party, Holiday Extravaganza, Night Market, and Farmer's Market
Tinatantiyang Halaga: $200,000
Lokasyon: White Center Business District
13. Pondo sa Programang Sining ng Komunidad ($120,000)
Magbukas ng proseso ng aplikasyon ng grant para pondohan ang mga programa/serbisyong sining ng komunidad. Mag-alok ng isang bukas at inklusibong proseso ng grant upang hikayatin ang mga miyembro ng komunidad at magmungkahi at magpatupad ng mga proyekto na tumutugon sa mga kinakailangan ng lugar. Lumikha ng mga solusyon na pinangungunahan ng komunidad na pinahuhusay ang kabutihan, katatagan ng pamumuhay, at sigla ng kultura ng komunidad, at bigyang-kapangyarihan ang mga residente para aktibong hubugin ang kanilang kinabukasan at lumikha ng nagtatagal na, positibong pagbabago.
Tinatantiyang Halaga: $120,000
5. Sound Futures: Programa sa Sining sa Pagtatanghal at Mariachi ng White Center ($120,000)
Bigyan ng oportunidad ang mga estudyante ng White Center na tuklasin ang propesyonal na pagsasayaw at pagtugtog ng mariachi, pinaghuhusay ang kanilang paglalahad ng sarili at kamalayan sa kultura. Ang pondo ay magsusuporta sa mga panauhing magtatanghal, pagyamanin ang kasanayan sa pagtatanghal, at bigyan ng mga instrumento at uniporme ang mga estudyante. Direktang igawad sa Highliine Schools Foundation. Pagbutihin ang access ng mga estudyante sa musika at pagsayaw, pagpapahusay ng kabutihan ng pag-iisip, pagdiriwang ng pagkakaiba ng kultura, at pagbubuo ng nananatiling sining na pinagtitibay ang kultura ng komunidad.
Tinatantiyang Halaga: $120,000
Lokasyon: Evergreen High School/Highline School District
10. Seeds to Gardens ($60,000)
Inihahandog ng Griot Party Experience ang Seeds to Gardens, isang karanasan sa sining ng teatro na itinatampok ang pagtatanghal ng tula at pagsasayaw na hip-hop na nakatuon sa pagbibigay edukasyon at pagpapagaling ng mga komunidad na nasa laylayan. Direktang igawad sa The Griot Party Experience. Turuan ang mga indibidwal na gamitin ang sining bilang isang kasangkapan upang ilabas ang galit at emasyon sa malikhaing paraan.
Tinatantiyang Halaga: $60,000
Lokasyon: TBD and lokasyon/tentatibo sa Acts on Stage Theater 10806 12th Avenue SW, Seattle WA 98146
3. Renaissance 2.0: Programang Sining sa Pagtatanghal sa Kabataan ($180,000)
Isang programa sa sining sa pagtatanghal pagkatapos ng paaralan na nag-aalok ng lingguhan pag-aaral para sa mga baguhan edad 8-18, na pinamumunuan ng mga may karanasang lokal na nagtatanghal. Tatagal ang programa ng 12 linggo at magtatapos sa isang recital sa komunidad kung saan ang mga kalahok ay ipapakita ang kanilang pinahusay na talento. Direktang igawad sa Acts On Stage Theater. Linangin ang pag-unlad ng sining ng kabataan at bigyan sila ng isang nagsusuportang kapaligiran upang paunlarin ang kanilang kakayahan at tiwala sa sarili habang nag-aambag sa sigla ng kultura ng komunidad sa pamamagitan ng isang recital.
Tinatantiyang Halaga: $180,000
Lokasyon: Acts on Stage 10806 12th Avenue SW, Seattle WA 98146
6. Eazy Duz It: Programa sa Pagbubuo ng Low Rider Bike sa Kabataan ($87,950)
Turuan ang mga kabataan na may mahusay na kasanayang teknikal sa pamamagitan ng paggabay sa kanila sa pagbubuto ng mga custom na low rider na bike. Nagpapalaganap ng pagtutulungan sa grupo, pagkamalikhain, at paglutas ng problema sa pamamagitan ng personal na karanasan na pinagsasama ang mechanics, sining, at kultura. Direktang igawad sa Eazy Duz It Car Club 501(c)(3). Bigyang kapangyarihan ang kabataan ng mahahalagang teknikal na kasanayan at lumikha ng pagsasama-sama ng komunidad sa pamamagitan ng paghihikayat ng pagtutulungan, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kultura--lahat habang bumubuo ng mga custom na low rider bike na sasalami sa natatanging pagkakakilanlan ng mga kalahok.
Tinatantiyang Halaga: $87,950
Lokasyon: Iba't ibang lokasyon sa kabuuan ng unincorporated White Center/North Highline
15. Suportang pondo para sa: YWCA - YES Youth Empowerment Services ($50,000)
Suportahan ang YES Youth Empowerment Services. Direktang igawad sa YWCA. Paramihin ang oportunidad na aktibidad sa kabataan ng komunidad para sa mga kabataan na nakatira sa mga housing complex sa Greenbridge at Seola Gardens.
Tinatantiyang Halaga: $50,000