Napili mo ang
0 / 0
proyekto.
Pabahay Pangangalaga sa Komunidad Transportasyon Pagpaplano para sa Kinabukasan Kalusugan at Kagalingan

Ito ay isang preview lang. Hindi ire-rekord ang iyong boto.

Mga Instruksyon

  1. Piliin ang mga proyekto na gusto mong suportahan. Maaari kang bumoto ng hanggang 4 proyekto.
  2. I-click ang "Isumite ang Aking Boto" na button kapag handa ka nang isumite ito.

Tala: Ang mga proyektong ito ay random ang kaayusan.



Pabahay

“U.S.E.F.U.L. (Pag-unawa sa Katatagan at Kakayahan para sa Hindi Naaabalang Pamumuhay) 101” ng Casa Youth Shelter

Ipinakikilala ang: “U.S.E.F.U.L. 101”. Ang U.S.E.F.U.L. 101 ay isang programang naglalayong baligtarin ang ideya ng “useless school class” (walang saysay na klase sa paaralan). Binibigyang-kakayahan ng programang ito ang kabataan sa tulong ng mahahalagang kasanayan sa buhay sa isang serye ng mga nakalilibang na workshop. Mula sa edukasyong panlipunan at pangkalusugan ng pag-iisip hanggang sa mga kasanayan sa career at pagluluto, makakukuha ang mga kalahok ng mga praktikal na kasangkapan at mapagkukunan ng tulong upang mapagsikapan ang kanilang mga layunin sa buhay at makipag-ugnayan sa mga network na nagbibigay-suporta. Walang paraan upang matapos ninyo ang programang ito at tatangunin pa rin ninyo ang, “Paano ko ito magagamit sa tunay na buhay?” Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “U.S.E.F.U.L. (Pag-unawa sa Katatagan at Kakayahan para sa Hindi Naaabalang Pamumuhay) 101” ng Casa Youth Shelter

“Edukasyon at Pabahay sa Pag-adjust ng Kabataan (YEAH!)” ng Success in Challenges

Ang programa ng Youth Education and Adjustment Housing (Edukasyon at Pabahay sa Pag-adjust ng Kabataan, YEAH!) ay nagbibigay ng tulong sa pirming pabahay, pagsasanay sa mga kakayahan sa buhay, tulong pinansiyal, at suporta sa wellness sa kabataang nasa edad ng pagtransisyon (18-26) sa Long Beach na dumaranas ng kawalan ng tirahan o mga di-pirming kondisyon ng pamumuhay. Sa loob ng mahigit anim na linggo, sasali ang mga kalahok sa mga workshop para sa pagtuturo tungkol sa pabahay, kaalamang pinansiyal, wellness, at paglinang sa lakas-paggawa upang mabigyan sila ng mga kinakailangang kasangkapan para sa pamumuhay nang mag-isa. Ngayong taon, pinalawak pa ang programa upang makapaglingkod sa 20+ kalahok, na sinamahan ng mga workship sa mental at pisikal na wellness ng Core Mentality, at nagpasimula ito ng tulong sa down payment o paunang bayad na $300 na sustento (gift card) na iginagawad sa bawat kalahok sa pagtapos nila sa programa upang makatulong sa pag-secure ng pirming pabahay. Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Pangangalaga sa Komunidad

“Off Script: A Youth-Led Summer of Community Care (Wala sa Script: Tag-araw ng Pangangalaga sa Komunidad na Pinangungunahan ng Kabataan)” ng Queersplanation

Ang Off Script (Wala sa Script) ay isang programa sa tag-araw na pinangungunahan ng kabataan na nagbibigay-kakayahan sa kabataan sa Long Beach na edad 14–17 at 18–24 sa pamamagitan ng pagkamalikhain, wellness, at pangangalaga sa komunidad. Sino ang nagsabi sa inyo kung sino kayo? Kalayaan ang Off Script. Imbitasyon sa tag-araw upang tumawid sa mga linyang iginuhit para sa inyo, upang pulutin ang panulat at angkinin ang inyong kuwento. Sa loob ng anim na linggo sa Long Beach, magtitipon-tipon sa dalawang sinadyang bilog ang kabataang edad 14–17 at 18–24 upang tumawa, maghilom, lumikha, at makipag-ugnayan sa ibang tunay na nakakikita sa kanila. I-imagine na nagpa-paddleboard kayo nang may taglay na tapang, nagpipintura ng mga katotohanan sa mga kulay na hindi pa natutunghayan, nagpapamalas ng kumpiyansa sa paglalakad sa kalikasan, o sinesertipika ang inyong mga kamay upang makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng CPR. Sa bawat pakikipagsapalaran, sa bawat workshop, isang hakbang ito papalapit sa inyo. Dito, hindi lang buzzword ang salitang "trauma-informed" o may kamalayan sa trauma— tungkol ito sa kaalamang may saysay ang inyong tinig, sagrado ang inyong mga boundary, ipinagdiriwang ang inyong pagkatao—na nagsusulong sa kabataang BIPOC at LGBTQIA+. Hindi lang basta programa ang Off Script. Isa itong radikal na muling pagsulat, pag-angkin sa espasyo, isang komunidad na pinagtagni-tagni ayon sa katapatan, malasakit, at kalinga. Ngayong tag-araw, kalimutan muna ang performance at makiisa. Mahalaga ang inyong kuwento. Isulat ito sa paraang gusto ninyo—Off Script. Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Off Script: A Youth-Led Summer of Community Care (Wala sa Script: Tag-araw ng Pangangalaga sa Komunidad na Pinangungunahan ng Kabataan)” ng Queersplanation

“Becoming a Long Beach Music Icon (Pagiging Icon ng Musika sa Long Beach)” ng Jazz Angels

Mag-aalok kami ng mga klase sa tag-araw, nang isang beses kada linggo sa loob ng 8 linggo upang ituro sa mga estudyante ang mga pangunahing kaalaman sa musika. Magkakaroon ang mga kalahok ng karagdagang dalawang araw upang dumalo sa Jam Sessions at makapagsanay nang magkakasama, maipagpatuloy ang pagtataguyod ng komunidad, at masuportahan ang isa't isa sa tulong ng kanilang proseso ng pag-aaral ng musika. Sa katapusan ng programa, ipagmamalaki ng mga kalahok ang kanilang mga bagong natutuhang talento at ibabahagi ang kanilang mga likhang musika sa Komunidad ng Long Beach. 60 minutong sesyon 1 araw kada linggo ng nakaiskedyul na pag-aaral 2 opsiyonal na araw kada linggo para sa pagsasanay sa Jam Sessions Angkop para sa mga nagsisimula pa lang, tinatanggap ang lahat ng antas 5 bandang partikular sa antas at genre, mga propesyonal na guro para sa lahat ng antas at genre Ilalaan ang mga instrumento kung kailangan Kada linggo, matututo ng mga bagong kasanayan Programa/aktibidad at mga kalalabasan Paglalaan ng ligtas at malikhaing lugar para sa kabataan at nakababatang nasa hustong gulang na may iba't ibang pinanggalingan, kultura, sosyo-ekonomiko Maglaan ng malikhaing pamamaraan at lugar upang maiugnay ang kabataan sa iba pang mga alagad ng sining Makapaglinang ng mga kasanayan sa musika Makapagtatag ng mabubuting kagawian at kasanayan sa pag-agapay sa pamamagitan ng musika Maging matatag at maihanda ang isip sa paglinang Magtaguyod ng komunidad Bawasan ang stress na emosyonal, panlipunan, at may kinalaman sa pag-uugali Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

“B.O.L.D. (Batang Kalalakihan para sa Paglinang ng Kakayahang Mamuno nang Positibo) Akademya sa Tag-araw” ng Project Optimism

Ang Akademya sa Tag-araw ng Boys of Optimism Leadership Development (Batang Kalalakihan para sa Paglinang ng Kakayahang Mamuno nang Positibo, BOLD) ay isang masaya at nagbibigay-suportang programa para sa mga batang lalaking nasa ika-8 at ika-9 na baitang upang maihanda sila para sa mataas na paaralan at sa career sa hinaharap. Sa pamamagitan ng mga hands-on na aktibidad, karanasan sa kultura, at pagkakaroon ng mentor, kayo ay magkakaroon ng kumpiyansa, malilinang bilang pinuno, at matututo kung paano manatiling nakatuon at positibo. Sa tulong ng BOLD, mapananatili sa tamang landas ang kabataan at mabibigyan sila ng mga kasangkapan upang makagawa ng matatag at matagumpay na kinabukasan. Idaraos ang 6 na linggong programa mula Hunyo 30 hanggang Agosto 8 tuwing Lunes, Martes, at Huwebes mula 12–4 PM. Tuwing Lunes at Martes, pagtutuonan ang mga interactive na leksiyon, pagkakaroon ng mentor, at tanghalian. Tuwing Huwebes ang City Exploration Days (Mga Araw ng Paggalugad sa Lungsod, CED), kung saan sasali ang grupo sa mga kapana-panabik na field trip na may kaugnayan sa tema ng wellness para sa linggong iyon—na magbibigay sa nakababatang kalalakihan ng pagkakataong matuto ng mga karanasan sa totoong mundo, gumalugad ng mga bagong lugar, at magkaroon ng mga kasanayan sa pamumuno. Isang summer camp ang BOLD kung saan ang nakababatang kalalakihan ay makikipag-ugnayan sa mga mentor sa kolehiyo, bubuo ng kumpiyansa, gagalugad ng mga paksa sa tunay na buhay, at maghahandang mamuno sa mataas na paaralan at iba pa. Ang mga Pinuno ng BOLD ay hindi lang inihahanda para sa mataas na paaralan—mayroon din silang bisyon, determinasyon, at optimismo upang maiangat at mabigyang-inspirasyon ang kanilang mga komunidad. Ngayong tag-araw, magtataguyod tayo ng mga pinuno. Ngayong tag-araw, pipiliin nating maging positibo. Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “B.O.L.D. (Batang Kalalakihan para sa Paglinang ng Kakayahang Mamuno nang Positibo) Akademya sa Tag-araw” ng Project Optimism

“Impact Makers: Act Now Long Beach (Mga Tagagawa ng Epekto: Kilos Na Long Beach)” ng The Volunteer Center

Inyong Oras. Inyong Lungsod. Inyong Epekto. Lumabas, tumulong sa iba, makipag-ugnayan sa ibang kabataan sa Long Beach sa pamamagitan ng hands-on na pagseserbisyo sa komunidad. Ang Impact Makers: Empower Long Beach (Mga Tagagawa ng Epekto: Bigyang-kakayahan ang Long Beach) ay isang programa ng pagboboluntaryo sa tag-araw na pinangungunahan ng kabataan kung saan haharap kayo sa mga totohanang isyu. Napakarami sa ating lungsod ang dumaranas ng kawalan ng tirahan, gutom, at kawalan ng mga mapagkukunan. Ang Long Beach ay may mas mataas na antas ng kahirapan kaysa sa pambansang average, kung saan 23% ng mga residente at 33% ng mga bata ang namumuhay sa kahirapan. Sa loob ng mahigit limang linggo, makikisali kayo sa mga hands-on na proyekto ng pagseserbisyo - mula sa pagpapakete at pamamahagi ng mga hygiene kit o gamit pangkalinisan, pagkain, at laruan sa mga bata at pamilya hanggang sa paglilinis sa ating mga parke at komunidad. Pinangangasiwaan ng Volunteer Center Long Beach (Sentro ng Pagboboluntaryo sa Long Beach) ang insiyatibang ito na nagtataguyod ng ugnayan sa lipunan, pagbibigay-kakayahan sa kabataan, at epekto sa totoong mundo sa pamamagitan ng pangangalaga sa komunidad. Bukod pa rito, makatatanggap din kayo ng mga oras ng serbisyo at sertipiko ng pagtapos upang maidagdag sa inyong resume! Hindi lang ito tungkol sa pagtulong pabalik - tungkol din ito sa paggawa ng pagbabagong gusto ninyong matamo. Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Impact Makers: Act Now Long Beach (Mga Tagagawa ng Epekto: Kilos Na Long Beach)” ng The Volunteer Center

“Ocean Action Leadership Camp: A Summer of Science, Exploration, and Action (Camp para sa Pamumuno sa Pagkilos para sa Karagatan: Isang Tag-araw ng Siyensiya, Paggalugad, at Pagkilos)" ng Algalita

Kabataan ng Long Beach, panahon nang makibahagi! Ang Ocean Action Leadership Camp ang inyong pagkakataong mag-kayak, gumawa ng totoong siyensiya, at linisin ang ating dalampasigan—lahat ng ito habang pinoprotektahan ang mga green sea turtle at iba pang buhay sa dagat. Hindi lang ito tungkol sa pag-aaral—tungkol din ito sa paggawa ng aksiyon. Sa anim na linggong programang ito, gagalugarin ninyo ang look habang nasa kayak, gagawan ng analisis ang microplastics sa totoong laboratoryo, at mangunguna kayo sa paglilinis ng baybay-dagat kung saan daan-daang libra ng polusyon ang matatanggal mula sa ating mga katubigan. Plastik, dulo ng sigarilyo, Styrofoam—nagkalat ang mga basura, pero kapag sama-sama tayo, malilinis natin ito. Makatanggap ng mga oras ng serbisyo sa komunidad, matuto ng mga kasanayang magagamit sa totoong mundo, at makipag-ugnayan sa iba pang mga tagapagtanggol ng karagatan. Bukod pa rito, ipagmalaki ang inyong nagawang epekto sa aming showcase sa katapusan ng summer! Ang pagboto nang pabor sa programang ito ay magbibigay sa 60 estudyante sa Long Beach ng pagkakataong maging mga pinuno sa konserbasyon ng karagatan habang gumagawa ng totoong epekto sa ating mga baybay-dagat at lokal na wildlife. Protektahan ang ating pampang, iligtas ang buhay sa dagat, at baguhin ang agos ng tubig—bumoto nang pabor sa Ocean Action Leadership Camp! Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Ocean Action Leadership Camp: A Summer of Science, Exploration, and Action (Camp para sa Pamumuno sa Pagkilos para sa Karagatan: Isang Tag-araw ng Siyensiya, Paggalugad, at Pagkilos)" ng Algalita

“Cultivating Young Chefs (Paghubog ng mga Bagong Chef)” ng Sowing Seeds of Change

Handa na para sa Tag-araw na puno ng mga katuwaan, pagkain, at kaibigan? Samahan kami sa aming kapana-panabik na programang pang-entrepreneur na Farm-to-Table (Mula sa Taniman Hanggang sa Hapag-kainan) para sa kabataang edad 16-24, kung saan magagamit ninyo ang inyong mga kamay upang matutong magtanim ng masasarap na pagkain dito mismo sa Long Beach! Pagkatapos, makikipagtulungan kayo sa mga bagong kaibigan upang magluto ng kamangha-manghang putahe at matutuklasan ninyo kung paano gawing totohanang negosyo ang inyong mga nilkhang pagkain. Maghandang umani ng kaalaman, magluto ng ilang hindi malilimutang karanasan, at maghasik ng mga binhi para sa magandang kinabukasan sa sustainable na pagkain at pagnenegosyo! Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Cultivating Young Chefs (Paghubog ng mga Bagong Chef)” ng Sowing Seeds of Change

“Punches in Bunches (Bungkos ng Suntok)” ng Mission Muay Thai

Ang Muay Thai, o ‘The Art of Eight Limbs’, ang tugatog ng martial arts na nakabatay sa paghampas. Sa pamamagitan ng Mission Muay Thai, hangad naming maturuan ang mga estudyante na makamit ang kanilang mga layunin sa personal fitness, maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga posibleng banta, at maitatag ang kanilang kumpiyansa sa bawat suntok. Sa aming 4 na linggong programa, umaasa ang Punches in Bunches na matutulungan nito ang kabataan sa ating komunidad na magkaroon ng kumpiyansa at disiplina habang nagsisikap silang matupad ang kanilang mga layunin sa fitness. TARGET NA GRUPO 8-26 na taong gulang Angkop para sa mga nagsisimula pa lang (mga taong wala pang karanasan sa pagtatanggol sa sarili/fitness) Tinatanggap ang lahat ng antas ng kasanayan Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Transportasyon

“Car and Driver Ed: Drive Smart, Own Responsibly (Edukasyon sa Sasakyan at Tagapagmaneho: Magmaneho nang Matalino, Magmay-ari nang Responsable)” ng Our Generation Cares

Ang Car and Driver 101 na inihahandog ng Our Generation Cares (May Malasakit ang Ating Henerasyon, OGC) ay kumikilala na isang kritikal na salik ang transportasyon sa pagkakataon sa ekonomiya. Bukod pa sa paglilisensiya, kasama rin sa ating programa ang kaalamang digital, hands-on na karanasan sa pagmamaneho, at kahandaan sa lakas-paggawa, paglalaan ng kapaligiran para sa naiaakma at naaakses na kaalamang naghahanda sa kabataan para sa pagmamaneho sa totoong mundo at sa mga pagkakataon sa career. Pinamumunuan ang pagsasanay ng mga tagaturong sertipikado ng DMV, nang harapan o online, upang matiyak na nakatatanggap ang mga kalahok ng edukasyong aprobado ng estado na nakatutugon sa mga pamantayan sa kaligtasan at pagtuturo. Ang mga kalahok na mas bata sa 15 ½ ay sasali sa edukasyon bago maging tagapagmaneho, kamalayan sa kaligtasan sa kalsada, at hands-on na pagsasanay sa sasakyan, upang tiyaking handang-handa na sila kapag angkop na silang magpalisensiya. Kapag isinama ang paghahanda sa lakas-paggawa at pagsasanay sa pamumuno, magkakaroon ang mga kalahok ng kumpiyansa at kasanayan upang magamit ang mobility bilang kasangkapan sa pagsulong ng karera, pamumuhay nang mag-isa, at epekto sa komunidad. Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Car and Driver Ed: Drive Smart, Own Responsibly (Edukasyon sa Sasakyan at Tagapagmaneho: Magmaneho nang Matalino, Magmay-ari nang Responsable)” ng Our Generation Cares

“Long Beach Wheels (Mga Gulong sa Long Beach)” ng LB Bike Co-Op

Ang Long Beach Wheels ay isang malawakang programa ng transportasyon sa kabataan na nakadisenyong tumulong sa kabataan (edad 13–20) sa Long Beach na makapagsarili, makatipid ng pera, at manatiling ligtas. Magkakaroon ng dalawang track - “Build a Bike” (Bumuo ng Bisikleta) at “Training for Transit” (Pagsasanay sa Pagsakay) Ang mga kalahok sa track na “Build a Bike” (edad 15-20) ay matututo ng masinsinang mechanics ng bisikleta bukod pa sa mga praktikal na kasanayan gaya ng kaligtasan sa pagbibisikleta, batas trapiko, at pangunahing pagmamantene. Mapagmamay-arian ng bawat kalahok ang bisikletang bubuoin nila. Tatanggap din ang bawat kalahok ng mga kasangkapan para sa pagmamantene sa kalsada at ng kinakailangang kagamitang pangkaligtasan—helmet, ilaw, reflective gear, at kandado—sa pagtatapos ng pagsasanay. Ang mga kalahok sa track na “Training for Transit” (edad 13-17) ay matututo kung paano magpasikot-sikot sa mga ruta at iskedyul ng pampublikong transportasyon. Kasama rin sa programa ang may gabay na pagbiyahe sa mga bus at tren patungo sa masasayang lokal na destinasyon, upang makapagsanay ang kabataan na magbasa ng mga mapa at gumamit ng mga bagong kasanayan sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ang mga patutunguhan ay isang laro ng LA Galaxy, pagbiyahe para sa tanghalian, at pamimili sa Little Tokyo. Kapag binigyan ng kakayahan ang kabataan upang hindi na gaanong umasa sa mga sasakyan at sa mataas na gastusin sa gas, sumusuporta ang Long Beach Wheels sa mas malusog na paraan ng pamumuhay, environmental sustainability o pagpapatagal sa buhay ng kapaligiran, at akses sa mga kaganapan sa paaralan, trabaho, at komunidad. Tinitiyak sa programang ito na magkakaroon ang mga nakababatang tao ng kumpiyansa, kasarinlan, at kaalamang kailangan upang makagawa ng mga desisyon sa transportasyon na may pakinabang sa kanila, sa kanilang mga pamilya, at sa mas malawak na komunidad ng Long Beach. Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $12,000

   

Pagpaplano para sa Kinabukasan

“EmpowerED: Life Skills for Success (Mga Kasanayan sa Buhay para sa Tagumpay)” ng Elite Skills Development

Narito na ang EmpowerED upang tulungan kayong humakbang tungo sa inyong kinabukasan nang may kumpiyansa. Ang dynamic na programang ito ay tungkol sa pagbibigay sa inyo ng mga makatotohanang kasangkapang kailangan ninyo upang mapangasiwaan ang mga pang-araw-araw na hamon tulad ng isang pro. Tungkol man ito sa pag-aaral na mamahala ng pera, harapin ang araw ng paglalaba, o pagluluto ng pagkain - nasa likod lang ninyo ang EmpowerED. Magsasanay kayong harapin ang mga sitwasyon sa tunay na buhay, gagabayan kayo ng mga mentor na marami nang karanasan, at aalis kayo nang may bitbit na sewing kit o gamit sa pananahi, tool kit o gamit sa pagkukumpuni, basic first aid kit o gamit sa pangunahing paunang lunas, mahahalagang gamit sa paghahanda ng pagkain, at pati na rin ng mga suplay para sa paghahanda sa panahon ng emergency. Tinatalakay rin ng EmpowerED ang Personal Growth Power-Ups (Mga Power-Up sa Personal na Paglinang) na tungkol sa pamamahala ng inyong presensiya sa social media, paggawa ng mahihirap na desisyon at pagtatakda ng mga hangganan, pag-alam kung kailan dapat magsabi ng ‘Hindi”, at kung paano tumulong pabalik sa inyong komunidad sa pamamagitan ng pagboboluntaryo. Nakalaan sa mga edad 10–21. Mangangasiwa ang EmpowerED ng tatlong araw na sesyon, edad 10 hanggang 14, para sa kabuoang 12 oras. Mag-aalok din kami ng apat na araw na pinahabang sesyon, edad 14+, para sa kabuoang 16 na oras. Nagsisilbi ang EmpowerED bilang isang pundasyon para sa pagpapahusay sa kakayahang makapagsarili at makakamit ng pangmatagalang kakayahang pinansiyal. Sumali sa EmpowerED ngayon — at gawin na ang unang hakbang tungo sa pag-angkin sa inyong sariling buhay. Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $42,400

   

Image for “EmpowerED: Life Skills for Success (Mga Kasanayan sa Buhay para sa Tagumpay)” ng Elite Skills Development

“Summer Mural Camp Vision for ‘28 (Tag-init na Mural Camp Bisyon para sa 2028)” Arts Council for Long Beach

Gugulin ang iyong tag-init bilang isang pampublikong artista sa tabi ng tubig at maging bahagi ng pamana ng Long Beach para sa 2028! Ang Arts Council for Long Beach ay humihiling ng pondo para sa isang mural na idinisenyo at ginawa ng mga kabataan sa may tubig ng Marina Pacifica Shopping Mall sa Long Beach. Ang mga kabataan ay magiging bahagi ng bawat yugto ng mural na ito. Sumali at makipagtulungan sa mga propesyonal na artista at matutunan ang bawat hakbang para maging isang pampublikong artista. Sanayin ang civic engagement (pakikipagtulungan sa mga kapitbahay) at stewardship (pag-aalaga at pangangalaga sa likhang sining) habang nakikipagtrabaho sa lungsod at komunidad. Matutunan ang mga sumusunod na kasanayan: Video Documentation Estilo ng Spray Painting Disenyo Potograpiya Marketing Imahinasyon Pakikipagtulungan sa mga Pampublikong Artista Lahat ng teknikal na kasanayang ito ay maaaring magamit sa iba pang mga propesyon. Magreresulta ito sa maganda at makasaysayang pampublikong sining. Sa iyong boto, sisimulan natin ito ngayong tag-init. Maaaring makatanggap ang mga kalahok ng volunteer hours o stipend para sa kanilang trabaho. May libreng pagkain rin mula sa mga paboritong lokal na kainan sa bawat sesyon! Bukas para sa edad 12-26. Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Summer Mural Camp Vision for ‘28 (Tag-init na Mural Camp Bisyon para sa 2028)” Arts Council for Long Beach

“Youth cosmetology master class (Master class sa pagpapaganda ng kabataan)” ng The Blacc Sheep

Pagod na ba kayong ma-stress dahil hindi ninyo alam kung ano ang silbi ng inyong buhay? Nagso-scroll sa social media habang pinanonood ang lahat na abalang maglagay ng silbi sa kanilang buhay! Tara na at samahan kami sa aming libreng programa sa cosmetology (edad 8-18) kung saan walang katapusan ang mga posibilidad. Pag-aayos ng buhok, paggupit ng buhok, pangangalaga ng kuko at balat. Kapag sumali kayo sa aming programa, makakaugnayan ninyo ang inyong mga kaedaran na kapareho ninyo ng pinagdaraanan at mahahanap ninyo ang inyong komunidad. Makatatanggap ang mga estudyante ng $50 na gift card sa bawat linggo kapag natapos na nila ang kanilang mga klase, sa loob ng 6 na linggo. Matuto sa loob ng isang tunay na salon at makatanggap ng kit o kagamitan para sa pag-aayos ng mukha, kuko, at buhok upang makapagsimula na kayo! Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $40,000

   

Image for “Youth cosmetology master class (Master class sa pagpapaganda ng kabataan)” ng The Blacc Sheep

“NextGen Executives: Youth Night Market (Mga Tagapagpaganap sa Susunod na Henerasyon: Panggabing Palengke para sa Kabataan)" ng Long Beach Latino Chamber of Commerce

Ang NextGen Executives: Youth Night Market ay nagpapabago ng buhay para sa kabataang edad 8-24 na handang gawing totohanang negosyo ang kanilang mga ideya at kontrolin ang kanilang kinabukasan. Maraming kabataan sa Long Beach, lalo na mula sa mga komunidad na kulang sa serbisyo, ang may puso at malikhain upang magtagumpay pero walang akses sa mga mentor, kaalamang pinansiyal, at hands-on na pagsasanay. Ang 6 na linggong harapang programang ito ay nagbibigay ng kaalaman, patnubay, at suporta sa pagsisimula na kailangan upang matanggal ang mga balakid at makapagtaguyod ng matatagumpay na negosyo. Magpupulong ang mga kalahok nang dalawang beses sa isang linggo para sa 2 oras na mga sesyon, upang magkaroon sila ng mga kasanayang magagamit sa totoong mundo upang hindi lang sila makipagkompitensiya sa mga trabaho, pero makagagawa rin sila ng mga ito—na magpapatatag sa komunidad ng maliliit na negosyo sa Long Beach, magpapagalaw sa ekonomiya, at sesemento sa daan tungo sa pagkamit ng kayamanang pangmaraming henerasyon sa mga lugar na kulang sa serbisyo ayon sa kasaysayan. Sa pagboto nang pabor sa NextGen Executives: Youth Night Market, mamumuhunan kayo sa susunod na henerasyon ng mga negosyante, tagapagpasimula ng pagbabago, at pinuno ng mga negosyo. Tara na at bigyan ng kakayahan ang kabataan, palaguin ang ekonomiya, at gumawa ng mga matagalang oportunidad para sa Long Beach! Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “NextGen Executives: Youth Night Market (Mga Tagapagpaganap sa Susunod na Henerasyon: Panggabing Palengke para sa Kabataan)" ng Long Beach Latino Chamber of Commerce

“Summer Leadership Experience (Karanasan sa Pamumuno sa Tag-araw)" ng Love Beyond Limits

Magsaya Ngayon, Maghanda Na para Bukas! Nag-aalok kami sa kabataan ng masaya at interactive na pagkakataong makapaghanda para sa kanilang mga career sa kinabukasan. Tutulong kami sa pagsulong ng mga indibidwal na mahusay sa lahat ng bagay, may kumpiyansa, at may kakayahan, na handa nang makapag-ambag sa lipunan. Ang inaasahan naming kalalabasan nito ay ang makabuo ng mga kasanayan, makapaghanda para sa career, at pangkalahatang personal na paglinang. Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Summer Leadership Experience (Karanasan sa Pamumuno sa Tag-araw)" ng Love Beyond Limits

Kalusugan at Kagalingan

“The Y Not Project (Ang Proyektong Bakit Hindi)” ng YMCA of Greater Long Beach

🏀🏐 Kabataan ng Long Beach—Gusto ba ninyo ng Libreng Tag-araw na Puno ng mga Palakasan at Katuwaan? 🎮🏊 I-imagine ito: isang LIBRENG Liga ng Basketbol sa Tag-araw (edad 8-17), LIBRENG Volleyball Camp para sa mga Teenager, LIBRENG Membership sa YMCA para sa mga Teenager, at napakasayang LIBRENG Pool Party sa Tag-araw na may Gaming Truck! Ito na ang pinakamasayang tag-araw, 'di ba? Y Not Vote o Bakit Hindi Kayo Bumoto upang magkatotoo ito! Ang Y Not Project ng YMCA of Greater Long Beach ay nangangailangan ng inyong boto upang mabigyang-buhay ang mga kapana-panabik na programang ito—na nagsusulong ng kalusugan, kagalingan, at magandang kinabukasan para sa kabataan ng Long Beach. Sa tulong ng mga bagay na pangunahin naming pinahahalagahan—Katapatan, Pagmamalasakit, Pananagutan, at Paggalang—handa kaming bigyan kayo ng hindi malilimutang panahon ng tag-araw. Bilang bonus, kung magsa-sign up kayo para sa aming LIBRENG programa ng Basketbol o Volleyball, makatatanggap kayo ng LIBRENG membership sa YMCA sa tag-araw (edad 14-17)! At para naman sa mga edad 18-24, sagot din namin kayo! Naglulunsad kami ng 10 linggong LIBRENG Liga ng Indoor Soccer para lang sa inyo. Hindi lang ito basta palakasan—tungkol din ito sa paglinang ng mga kasanayan, kumpiyansa, matagalang pagkakaibigan, at hindi malilimutang alaala. Kaya So Y Not Vote (Bakit Hindi Bumoto) nang pabor sa YMCA of Greater Long Beach at tulungan kaming dalhin ang napakagandang oportunidad na ito sa INYONG komunidad! 💙 Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “The Y Not Project (Ang Proyektong Bakit Hindi)” ng YMCA of Greater Long Beach

“Breaking the Cycle of Generational Trauma (Pagputol sa Cycle ng Trauma mula sa Maraming Henerasyon)” ng Breaking the Cycle

Handa na ba kayong kontrolin ang inyong kinabukasan at makalaya mula sa mga mapanghamak na cycle? Ang Breaking the Cycle ay isang programang pinangungunahan ng kabataan sa Long Beach para sa mga nakababatang handang tutulan ang generational trauma, magtaguyod ng mga makabuluhang relasyon, at maabot ang kanilang buong potensiyal. Magbibigay ng mga pagkain sa bawat pagpupulong (Wingstop, Raising Canes, In-N-Out, at anupamang ibang kahilingan). Bukod pa rito, nagbibigay rin kami ng mga scholarship, oras ng pagboboluntaryo, internship, at oportunidad sa trabaho. Isa itong ligtas na lugar kung saan puwede kang magsimula ng mahahalagang paksa – pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig, at pagtatakda ng mga hangganan. Kung gusto ninyong magkaroon ng kumpiyansa, makakamit ng mga personal na layunin, o makipag-ugnayan sa mga taong may malasakit, para sa inyo ang programang ito. Tinatanggap ang lahat, lalo na ang mga tao mula sa iba't ibang pinanggalingan. Mahahanap ninyo kami sa aming lingguhang harapang sesyon sa iba't ibang Long Beach Public Library (Pampublikong Aklatan ng Long Beach). Sa katapusan ng aming 8 linggong programa, magdaraos kami ng seremonya para sa pagtatapos kasama na rito ang mga sertipiko para sa mga taong nakatapos na sa programa. Kung naghahanap kayo ng espasyo kung saan napakikinggan, nasusuportahan, at nabibigyan kayo ng kakayahan, ang Breaking the Cycle ang tamang lugar para sa inyo. Hindi ang nakaraan ang magtatakda sa inyong kuwento, mayroon kayong kapangyarihang isulat ulit ito. Sumali sa Breaking the Cycle at ilabas ang inyong pinakamahusay na bersiyon! Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

“Summer YOUth Games (Mga Palarong Pangkabataan sa Tag-araw)” ng Books & Buckets

Ngayong tag-araw, inilulunsad ng Books & Buckets ang Summer YOUth Games. Isang libreng programang puno ng aksiyon para sa kabataan (edad 8-18) sa Franklin Middle School. Tungkol ito sa basketbol, teamwork, pamumuno, at paglalaan ng ligtas at masayang lugar upang makapaglinang. Tuwing Sabado mula Hulyo 5 hanggang Agosto 23, maglalaban-laban ang mga kalahok sa mga larong binigyang-inspirasyon ng basketbol tulad ng pag-dribble sa Red Light Green Light, Dribble Carousel Challenge, Dribble Bridge Challenge, at Full Court Frenzy. Sa mga larong ito, naisusulong ang teamwork, komunikasyon, at paglinang ng kakayahan sa basketbol, habang nagbibigay ng kumpiyansa at nagtuturo ng mga leksiyon sa buhay. Layunin naming makaugnayan ang tinatayang 30-40 kabataan sa iba't ibang panig ng Long Beach. Nag-aalok din kami ng magagandang insentibo tulad ng mga basketbol, kamiseta sa estilo ng Squid Games, gift card, at care package na may mahahalagang gamit pampaaralan at kagamitang pambasketbol. Ang mga taong walang makaliligtaang sesyon ay makakukuha ng $100 na gift card! Sa pagsuporta sa aming panukala, makatutulong kayong bigyang-buhay ang kapana-panabik na programang ito at bigyan ng pagkakataon ang kabataan na makaranas ng hindi malilimutang panahon ng tag-araw na puno ng pagsasaya, paglinang, at komunidad. Huwag magpaiwan, makibahagi na sa aksiyon! Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Summer YOUth Games (Mga Palarong Pangkabataan sa Tag-araw)” ng Books & Buckets

“Sexapalooza” ng School of Sexuality

Harapin natin ang katotohanan—hindi sapat ang sex ed o pagtuturo tungkol sa sex sa paaralan. Dito na papasok ang School of Sexuality Project. Pasasayahin namin ang sex ed, at gagawin itong mapangahas nang wala nang patumpik-tumpik pa. I-imagine na nakipagkampihan ang inyong matalik na kaibigan kina Bill Nye at Cardi B—oo, ganoon nga! Ngayong tag-araw, paiinitin natin ang sitwasyon sa tulong ng 3 LIBRENG festival na magdiriwang sa lahat ng bagay na may kinalaman sa sex-ed. Naghahatid ito ng, Smart and Spicy Summer (Matalino at Maanghang na Tag-araw)! Asahan na may mga palaro, pagkain, musika, workshop, craft, freebie, at bigay-todong vibes—dagdag pa rito ang totohanang usapan tungkol sa mga katawan, hangganan, kasiyahan, at proteksiyon. May saril-sariling tema ang bawat festival: Playful Pop-Up: Isipin kapag pinagsama ang kawaii at 626 Night Market na may K-pop twist. Kumuha ng mga cute na litrato, mamapak ng masasarap na pagkain, at oo—alamin ang tungkol sa penis o ari ng lalaki at vulva o puwerta (ano ang vulva? Ito ang tunay na pangalan ng vagina (ari ng babae). Boom, kaalaman!). Nakatutuwa at nakapagtuturo ito. Steamy Summer Soirée: Cottagecore cutie ba kayo? grungecore legend? dreamcore diva? Y2k icon? Para sa inyo ang party na ito. Magpakita nang nakaporma o "dressed to slay", magsayaw buong magdamag, at makuha ang lahat ng kailangan ninyo upang maprotektahan ang inyong ningning (at inyong kalusugan). Freak Fest: Napaaga ngayon ang spooky season! Tatalakayin natin ang pagpigil sa STI sa paraang nakababagabag pero masaya. Alamin kung paano protektahan ang inyong sarili habang napapasigaw (sa tuwa, hindi takot). Ang lahat ng kaganapan ay: Libre, Pang-teenager lang (kailangan ng ID ng mag-aaral, bawal ang mga taong nasa hustong gulang na!) Isang ligtas na lugar upang magpakatotoo, magtanong ng kahit ano, at alamin ang lahat Handa na ba kayong gawing totoong cool ang sex ed? Iboto kami at gawin nating sexy, ligtas, at sobrang matalino ang tag-araw na ito Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Sexapalooza” ng School of Sexuality

“The Sōl Within You (Ang Sōl sa Inyong Kalooban)” na Youth Health and Fitness Program (Pangkabataang Programa ng Kalusugan at Fitness) ng Champion’s Sōl

Tara na at hanapin ang Sōl sa inyong kalooban!” Sa Champions Sōl, inaanyayahan namin ang kabataan na “hanapin ang Sōl sa kanilang kalooban." Isa itong paninindigan para sa isang programa sa tag-araw na nakadisenyo para sa kabataan sa gitnang paaralan (edad 8–13) at sa mataas na paaralan/nakababatang nasa hustong gulang (edad 14–26), upang mabigyan sila ng pangunahing kaalaman tungkol sa fitness at wellness sa isang kapaligirang ligtas, nagbibigay-suporta, at angkop sa mga nagsisimula pa lang. Tatanggap ang mga kalahok ng hands-on na tagubilin tungkol sa mga wastong diskarte sa pag-warm up, mabisang stretching o pag-iinat, at batayang pagsasanay sa pag-iinat. Mauunawaan din nila ang pangunahing kaalaman tungkol sa anatomiya, planes of motion, at mga ehersisyong range-of-motion o may malawak na hanay ng paggalaw. Tampok sa programa ang mga dynamic fitness routine na nakatuon sa disiplina, pag-recover, teamwork, nutrisyon, at personal na pananagutan. Idinaraos ang mga Sesyon tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes mula 3:00–6:00 PM, simula ika-2 ng Hulyo hanggang ika-12 ng Setyembre. Matatapos ang bawat workout nang may masustansiyang pagkain sa site upang masuportahan ang pag-recover at masanay sa pagkain ng masustansiya. Sasagutan ng lahat ng kalahok ang isang talatanungan tungkol sa kalusugang pang-emergency upang matiyak na magkakaroon ng ligtas at naka-personalize na pagsasanay, at kailangan ng waiver mula sa mga magulang para sa mga mas bata sa 18. Bilang panghuli, nakadisenyo ang programang ito upang bigyang-kakayahan ang kabataan nang may pag-iisip at kumpiyansa ng isang tunay na Kampeon, kung saan mailalabas nila ang kanilang itinatagong lakas, katatagan, at pangkalahatang kabutihan. Panoorin ang panimulang video: https://youtube.com/shorts/dbD5abPDLuI Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $25,000

   

Image for “The Sōl Within You (Ang Sōl sa Inyong Kalooban)” na Youth Health and Fitness Program (Pangkabataang Programa ng Kalusugan at Fitness) ng Champion’s Sōl

23 Seeds of Greatness (23 Binhi ng Kadakilaan)

Naghahanap ba kayo ng tag-araw na puno ng pakikipagsapalaran, pagtuklas sa sarili, at hindi malilimutang alaala? Ang 23 Seeds of Greatness ang panghuling programa kung saan makikipag-ugnayan, maglilinang, at magsasaya kayo nang todo kasama ng iba pang kabataan mula sa iba't ibang panig ng Long Beach! Hindi lang ito basta programa—isa itong kilusang nakadisenyo upang tulungan kayong maiangat ang inyong kagalingang mental, pisikal, at emosyonal. Tutuklasin ninyo kung sino kayo, bubuo kayo ng matitibay na pakikipagkaibigan, at mararanasan ninyo ang mga kapana-panabik na aktibidad tulad ng mga aktibidad sa labas at pag-hike, mga water park, beach, amusement park, at isang Wellness Wilderness Camp Retreat na nakapagpapabago ng buhay. Sa loob ng 8 linggong programa sa tag-araw, sasali kayo sa mga makapangyarihang aktibidad ng team-building o pagpapatibay ng samahan ng pangkat, mga workshop sa kalusugan at kagalingan ng pag-iisip, at masasayang field trip na tumutulong upang maging masaya at may malaking epekto ang pag-aaral tungkol sa pangangalaga sa sarili, katatagan, at komunidad. Tatalakayin din natin ang mahahalagang paksa tulad ng pag-iwas sa karahasan at pagtataguyod ng mga ligtas na lugar upang maramdaman ninyong may kakayahan kayo sa inyong pang-araw-araw na buhay. Sa katapusan ng tag-araw, magkakaroon kayo ng mga panghabambuhay na pakikipagkaibigan, kasangkapan sa pangangasiwa ng stress, at bagong pakiramdam ng pagkakaroon ng silbi at pag-asa para sa kinabukasan—habang nagsasaya nang todo! Huwag palampasin ang LIBRENG oportunidad na ito upang mamuhunan sa inyong sarili, makipag-ugnayan sa mga kahanga-hangang tao, at makaranas ng tag-araw na talagang tatatak sa inyo. Basahin ang higit pa...

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

“Summer Full Of Art (Tag-araw na Puno ng Sining)” ng M.O.R.E Mothers

Ang ating kabataang edad 8-15 ay kailangan ng kapaligirang ligtas at nakapagbibigay-suporta upang lumaki, matuto, at malinang sila sa malikhain paraan. Lumabas ngayong tag-araw at tuklasin ang inyong malilikhaing kakayahan sa pamamagitan ng pagpinta, pagguhit, paggawa ng vision board, tula/malikhaing pagsulat, at potograpiya. Ang pagiging ingklusibo ng aming programa–para sa kabataang mayroon ng lahat ng kakayahan–ay nagtuturo ng kaalaman, pagtanggap, pagkakaisa ng komunidad, at mabibisang kasanayan sa buhay. Kasabay ng mga klase sa medium ng sining, makapag-uuwi rin ang kabataan ng materyales sa bahay mula sa bawat workshop na dadaluhan nila. Magbibigay-inspirasyon ang programang ito sa kabataan sa pagsubok ng bagong tuklas na kinahihiligang sining at umalis nang may bitbit na mga kasangkapang magagamit para sa sining bilang therapy, na isang mabuting paraan ng pagpapahayag sa sarili at outlet para sa wellness. Naglilingkod kami sa hanggang 200 kalahok na kabataan nang may 20 kabataan kada klase, susuportahan sila at makadadalo sila sa workshop dahil may suplay na sa mga klase. Samahan kami sa Tag-araw na Puno ng Sining! Isama ang inyong mga kaibigan • Istruktura ng Programa • 10 Klase - 1.5 oras na Art Workshop • maiuuwing materyales mula sa bawat dadaluhang workshop Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Summer Full Of Art (Tag-araw na Puno ng Sining)” ng M.O.R.E Mothers

“Sunset Boxing, Pickleball, & Wellness (Boksing, Pickleball, at Wellness sa Takipsilim)” ng Devotion Fitness

Ang Devotion Fitness ay nag-aalok ng 8 linggong LIBRENG sesyon ng boksing, pickleball, at roller skating para sa mga 12-26 na taong gulang sa Long Beach! Layunin naming makalikha ng magiliw na lugar kung saan puwedeng maranasan ng lahat ang mga benepisyo ng pagkilos at komunidad nang walang presyur mula sa mapaminsalang kultura sa gym. Sa aming programa sa tag-araw, isinusulong ang pangkalahatang kapakanan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtanggap sa lahat ng uri ng katawan at pagkakakilanlang pangkasarian. Sa iniaalok naming ika-3 tag-araw na ito, hangad naming mabawasan ang mga taong naiiwan nang walang kasama sa loob ng mga bahay, masuportahan ang kalusugan ng pag-isiip at katawan, maitaguyod ang pagkakaisa ng komunidad, at mapagtuonan ang pangangalaga sa komunidad. Nakadisenyo ang aming mga klase ng outdoor box-fitness para sa lahat ng uri ng katawan at pagkakakilanlang pangkasarian - akma para sa nagsisimula pa lang at perpekto para sa mga taong nais na bigyang-pansin ulit ang kanilang mga katawan sa isang kapaligirang nakapagbibigay-suporta. Ang mga klaseng ito ay nagbibigay ng kumpiyansa, at malaya sa kompetisyon at sa presyur na magpapayat. Kung naghahanap kayo ng gawaing mas relaxed, ang aming mga sesyon ng pickleball ay masaya at nagbibigay ng paraan ng paggalaw na walang gaanong impact habang ine-enjoy ang magandang lagay ng panahon. Madali lang na matutuhan! Magkakaroon kami ng mga pribadong court, masasarap na meryenda, at tagapagturong gagabay sa inyo! Magdaraos din kami ng mga sesyon ng roller skating tuwing takipsilim - kada linggo, matututo kayo ng naka-choreograph na routine ng sayaw, may makakasalo kayo sa masasarap na pagkain at may makakakuwentuhan din, habang nakikiisa sa komunidad. Mag-enjoy sa mga raffle, sa masayang vibe upang makihalubilo sa iba, at bumuo ng malalalim na ugnayan. Ipinagmamalaki ng Devotion Fitness ang sarili nito bilang ang natatanging organisasyon sa Long Beach na nagpapabago sa kultura ng boksing at wellness sa pamamagitan ng pagsulong ng ingklusyon sa loob ng mga lugar para sa fitness na pinaghaharian ng kalalakihan. Samahan kami at makibahagi sa aming positibo at nagbibigay-kakayahang komunidad! Basahin ang higit pa...
YouTube video

Tinatantiyang Halaga: $50,000

   

Image for “Sunset Boxing, Pickleball, & Wellness (Boksing, Pickleball, at Wellness sa Takipsilim)” ng Devotion Fitness